17.2/8: I Have To Go

796 5 0
                                    

[NICOLE]

My phone beeps.

Kinuha ko ito at tiningnan.

I was a bit shocked to see that I have several text messages and missed calls from Kurt.

Oo nga pala.

May boyfriend nga pala ako.

Napangiti ako.

At oo nga pala, boyfriend ko na si Kurt.

Binasa ko ang mga text messages niya.

From: Kurt

Message: Nicole. Go here in the condo. ASAP.

Binasa ko ang iba pang text messages niya.

Puro gano'n ang sinasabi niya.

Bigla akong kinabahan.

Bakit feeling ko may nangyaring hindi maganda?

Nag-reply ako sa text message niya.

Me: Kakagising ko lang, sorry. Papunta na 'ko diyan.

"Nicole?"

Tiningnan ko si Jake.

Gising na siya.

"Nicole!" sabi niya nang siguro ay magkaroon na ng wisyo.

Agad siyang bumangon.

Pero agad ding natigilan nang ma-realize na wala siyang suot na kahit ano at kumot lang ang nagtatakip sa kanya.

"I have to go, Jake."

"Ha?"

"You heard me."

"Pero..."

"Sige na. May kailangan pa 'kong asikasuhin."

Bumaba na 'ko ng kama at kinuha ang mga gamit ko.

I look at Jake.

Nakatingin siya sa 'kin na may lungkot sa mga mata.

"'Wag ka munang umalis, Nicole. Please?"

"I'm in a hurry, Jake. I have something important to do in Manila."

Naglakad na ako palapit sa pinto.

Natigilan ako.

Lumingon ulit ako sa kanya.

Ngumiti ako.

"Happy birthday again, Jake. Thank you and... sorry," sabi ko at tuluyan nang lumabas ng bahay nila.

Binilisan ko ang paglakad.

I have to run away from him as usual.

And it's the right thing to do. 

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now