11.7/13: I Like Your Dress

842 5 0
                                    

[NICOLE]

"Then let's fight one on one," sabi ko.

This time, ako naman ang sumugod sa kanya.

I aggressively grabbed her hair at sinabunutan siya.

"You think you're a bitch?! I'm a bitch too!" I said.

Gumanti siya, hinablot niya rin ang buhok ko at sinabunutan ako.

"Yes you're a bitch! But I'm the baddest bitch here!" she said.

Nagsabunutan kami.

Parehas kaming gigil sa paghila sa buhok ng isa't isa.

Masakit ang sabunot niya to be honest.

Pero wala akong pakialam.

Kung makakalbo ako dito, sisiguraduhin kong makakalbo din siya.

Sa gitna ng sabunutan namin, nang makakuha ako ng pagkakataon, buong lakas na sinikmuraan ko siya.

"Ah!" daing niya at nabitawan niya ako.

Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon at sinampal siya.

Akmang gaganti sana siya sa akin pero sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi naman.

"Now how's the taste of your own medicine, Sabrina, huh?!" I shouted.

I was about to kick her on her stomach nang bigla na lang may humila sa 'kin at itinulak ako.

Bumalda ako sa poste.

"I'm still here, bitch!" sabi ni Mara, hawak-hawak niya ang likod niya na mukhang masakit pa rin dahil sa pagkakabagsak kanina.

Akmang susugurin niya sana ako pero mabilis ko siyang tinadyakan.

"Ouch!" daing niya at napaupo siya sa sahig.

Payat si Mara.

Kayang-kaya ko siyang ilampaso sa totoo lang.

Oh, wait.

What an idea!

Bakit nga ba hindi ko siya ilampaso sa sahig?

Tiningnan ko ang suot niyang dress.

Naka-spaghetti strap siya.

"I like your dress, Mara," sabi ko. "Ang ganda. Mukhang mamahalin. Pero... hindi bagay sa 'yo."

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now