19.11/14: Make Love

1.1K 9 0
                                    

[NICOLE]

"Wala bang 'I love you too' diyan?" tanong niya ulit.

"I love you too."

"Parang napipilitan, eh."

"Hindi, ah."

"Sabihin mo pala ulit. Humarap ka sa 'kin."

Humarap ako sa kanya.

Pero bigla niya akong hinalikan sa labi.

Nagulat man, pero napangiti ako.

"Baliw ka!"

"Haha. Sorry."

"I love you too, Jake..." sabi ko.

Napangiti siya.

Tinitigan niya 'ko sa mga mata ko.

Hanggang sa unti-unting lumapit ang mga mukha namin sa isa't isa.

Pumikit ako. 

Hinalikan niya ako sa labi.

Gumanti ako ng halik.

Naghalikan kami.

Ang gaan sa pakiramdam.

Oo.

Ang gaan.

It's the most suitable adjective to describe what I'm feeling right now.

Masarap pala 'tong gawin sa taong mahal mo talaga.

It feels right.

Kumalas ako sa halikan namin.

"Pero sandali, Jake."

"Bakit?"

"Alam mo naman kung anong naging nakaraan ko, 'di ba? Tanggap mo ba? Alam mo na... naging sidechick ako–"

Tinakpan niya ng daliri niya ang mga labi ko. 

"Sshh. Alam ko ang nakaraan mo. Matagal ko nang naisip 'yan. At matagal ko na ring natanggap. Masakit isipin para sa 'kin, oo. Nasasaktan ako para sa 'yo. Pero kahit ano pa 'yan, wala na 'kong pakialam. Gusto pa rin kitang maging girlfriend ko. Itatama natin ang lahat na magkasama. At ngayon na girlfriend na kita, wala na 'kong mahihiling pa."

Napangiti ako. "Salamat, Jake. Salamat ng maraming-marami."

"Pero... Nicole..."

"Bakit?"

"Mamaya... pwede na ba ulit nating gawin 'yon?"

Parang gusto kong matawa.

Alam ko kung anong tinutukoy niya.

"Ang alin?"

"'Yong katulad sa mga paru-paro sa essay mo."

"Ano ba 'yon?"

"Alam mo naman kung ano 'yon, eh." 

"Hindi ko alam."

"'Yong mating. Haha."

"Haha. So you want us to mate?"

"Not mate."

"Ano pala?"

Ngumiti siya. "Make love."

Napangiti na rin ako.

Muli kaming naghalikan. 


Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon