19.2/14: Natupad Natin Para Sa 'Tin

640 7 0
                                    

[NICOLE]

"1... 2... 3... smile!"

Nakailang kuha si mama.

Aalis na sana ako pero,

"Wait. Isa pa. Jake, akbayan mo naman si Nicole," sabi ni mama.

Nagkatinginan kami ni Jake.

Medyo na-awkward kami pareho. 

"Dali na. Ikaw naman Nicole, 'wag ka nang maarte. Hindi ka naman na virgin."

Grabe si mama!

"'Eto na nga, eh," sabi ko.

Muli kaming pumwesto ni Jake sa harapan ng bakeshop.

Umakbay siya sa 'kin.

Napangiti ako.

'Yong genuine na ngiti.

"1... 2... 3... smile!"

Nakailang kuha ulit si mama. 

Nang matapos ang picture-taking ay sumilong na kami ni Jake sa bakeshop namin.

Tumingin ako sa mga estante kung saan naka-display ang mga baked goods na binebenta namin.

"Grabe. Until now, I still can't believe that we made it," sabi ko.

"Oo nga, eh. Pangarap ko lang din 'to dati. Pero ngayon nandito na. Masayang-masaya ako na natupad mo 'to para sa 'tin, Nicole," sabi ni Jake.

"Natupad ko para sa 'tin? Natupad natin para sa 'tin," pagtatama ko. "Sa 'ting dalawa 'to Jake. Nakapangalan sa 'ting dalawa 'to. Tayong dalawa ang bumuo nito."

"Pero ikaw ang gumastos sa lahat ng 'to."

"Ako lang ang gumatos, yes. Pero mas marami ka pa ring effort na binigay dito. Look, you did all of these," sabi ko sabay lahad sa mga naka-dispaly na baked goods sa mga estante ng bakeshop namin.

Sa YouTube lang kami nag-aral ng paggawa ng iba't ibang baked goods.

At dahil likas naman na may talent si Jake sa baking, mabilis niyang natutunan na gawin ang lahat.


Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon