6.5/5: You Planned This?

1K 7 0
                                    

[KURT]

"'Yon ang dapat mong ginawa!"

"I just realized that now, actually," sagot niya. "Para sana hindi na lang humaba ang conversation namin. Pero kanina, hindi talaga ako nakapag-isip ng maayos dala na rin ng pagkataranta. Sorry..."

Huminga ako ng malalim.

Napahawak ako sa sentido ko.

Hindi talaga mawala ang inis ko.

"Don't tell me you planned this?"

"What? No."

"You planned this to get close to Lilian so you can easily ruin our relationship!"

"What? Saan ba nanggagaling 'yan, Kurt? Wala akong alam sa mga sinasabi mo. It was really an accident."

Pabagsak na sumandal ako sa backrest ng car ko.

Nanggigigil na napa-face palm ako.

I have to give Nicole a benefit of the doubt.

Wala rin namang patutunguhan kung aakusahan ko siya ng aakusahan.

Masyado lang siguro akong nag-o-overthink.

Plus, ang hirap makipag-usap sa call.

"Make sure you're telling the truth, Nicole."

"I am."

"Malinaw na sinabi ko sa 'yo noon pa na 'wag na 'wag kang lalapit kay Lilian," I said in a very serious tone. "Na 'wag na 'wag kang gagawa ng hakbang na ikasisira namin. And you'll regret it. You know that."

"I know. At sinusunod ko naman 'yon, Kurt. I hope you believe me..."

"Siguraduhin mo lang, Nicole... siguraduhin mo lang," sabi ko.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz