17.3/8: You're Disgusting!

859 5 0
                                    

[NICOLE]

"I'm here," sabi ko pagkabukas ko ng pinto ng condo.

Pumasok ako sa loob.

At nagulat ako sa bumungad sa 'kin.

Hindi lang si Kurt ang nandito.

Sabrina and her friends are also here.

"Hi, bitch," nakangising bati ni Sabrina sabay kaway.

"What's the meaning of this?" tanong ni Kurt sabay lahad ng kamay sa table.

Sa table ay may nakapatong na laptop.

At sa laptop ay may mga video na sabay-sabay na nagpe-play.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga nasa video.

Merong video na naglalakad ako sa eskinita sa Parañaque.

Merong video namin ni Jake na nag-uusap.

Merong video ng mama ko na kinakausap nina Sabrina.

At merong video ng bahay namin kung saan makikita ang mga pictures ko sa wall.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko. 

Paano nangyari ang lahat ng 'to?

"Guess what, bitch?" sabi bigla ni Sabrina na parang nabasa ang iniisip ko. "Sinundan ka namin sa madumi mong lungga sa Parañaque."

"Hahaha," tawa nina Sabrina at ng mga kaibigan niya.

"Now tell me, Nicole, what's the meaning of this?" tiim-bagang na tanong ni Kurt na sa boses pa lang ay alam kong nagpipigil ng galit.

"Kurt..."

"Answer me straight to the point!" sigaw niya.

Naiyak na 'ko sa takot.

"Kurt... I'm sorry..." sabi ko.

Galit na lumapit siya sa 'kin at sinuntok ako.

Napaupo ako sa sahig.

Ang sakit.

Napahawak ako sa ilong ko.

Nang alisin ko ang kamay ko ay may dugo na sa palad ko.

Lumapit ulit si Kurt sa 'kin at hinila ako sa buhok para iharap sa kanya.

"Pinaniwala mo 'ko, Nicole! You told me you came from a wealthy family and you're just being rebellious to them! Tapos sa ganito ka pala nakatira? Alam mo kung gaano ko kaayaw sa mga mahihirap! Tapos mahirap ka pala? You're disgusting!"

Sinuntok niya ulit ako.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now