13.3/8: Ex Na Lang Siya

857 5 0
                                    

[NICOLE]

Wala akong pakialam kung libo ang halaga ng bawat tangkay ng gulay na kasama sa steak na 'to.

I eat vegetables but I'm not in the mood to eat some today, okay?

But in all fairness, masarap naman ang steak.

But it's not worth the price.

Tumingin ako sa isa pang plato.

It's the Mediterranean shrimp kabobs.

Isa pa 'to.

Ang mahal din nito pero hipon lang naman 'to na tinusok ng stick at sinamahan ng kung ano-anong gulay, eh.

Kumuha ako ng ilan nito.

Tinanggal ko ang mga gulay at 'yong hipon lang ang kinain ko.

Napatango-tango ako nang malasahan ito.

Masarap naman.

But just like the other one, it's not worth the price.

Napatingin ako kay Kurt na nakatingin na pala sa 'kin.

Walang emosyon sa mukha niya.

"Kumain ka na," sabi ko.

"Okay," sabi niya.

Nagsimula na nga siyang kumain ng kung ano-ano sa mga dishes na nasa harapan niya.

Napatitig ako sa mukha niya habang ngumunguya.

Ang gwapo niya talaga.

Ang swerte ko na boyfriend ko na ang isang Kurt Evans.

Handsome, hot, rich kid and popular.

Sa dinami-rami ng nagkakandarapa sa kanya, ako ang nagwagi.

Ang tanga ni Lilian dahil pinakawalan niya pa Si Kurt.

Pero kunsabagay, maganda at mayaman naman si Lilian.

Makakahanap pa siya ng katulad ni Kurt.

But who cares about her, right?

Hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang ginawa niyang pamamahiya sa 'kin sa hotel.

Oo ako ang mali.

Kaya hindi ako nagreklamo.

Pero kung magkikita ulit kami, may mukha na akong maihaharap sa kanya.

Because I'm the new girlfriend now.

I have all the rights now.

At siya?

Ex na lang siya.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now