15.12/12: Paano Na 'Ko Uuwi?

483 5 0
                                    

[NICOLE]

After all, he's still my childhood bestfriend.

Pero magiging hadlang ang nararamdaman niya para sa 'kin sa pangarap ko.

Kaya kailangan ko 'yon pigilan.

Hanggat kaya ko pa siyang itaboy, itataboy ko siya.

Natigil ang pagkwekwentuhan namin nang biglang may tumunog na kung ano.

It's an alarm clock na nakapatong sa TV rack.

Lumapit si Jake dito and turned it off.

"Alarm?"

"Oo. 8:00 PM na."

8:00 PM na?

"Gabing-gabi na pala..." sabi ko.

Biglang bumakas ang lungkot sa mukha ni Jake na parang nakuha agad ang ibig kong sabihin.

"Oo nga pala. Uuwi ka pa. Kailangan mo na Rin umuwi agad kasi delikado na mamaya sa labas."

"Oo nga, eh."

"Sige. Tara, ihatid na kita sa inyo."

Pinilit kong ngumiti.

Pero sa totoo lang, nalungkot din ako.

Bakit gano'n?

Kapag masaya tayo, parang ang bilis ng oras?

Ang daya.

"Salamat sa lahat, Jake," sabi ko.

Ngumiti siya. "Walang anuman. Basta tandaan mo parati, ako pa rin ang boy bestfriend mo. At nandito lang ako lagi para sa 'yo. Kapag kailangan mo 'ko, tawagan mo lang ako."

"Sige. Salamat."

"Sige. Tsaka ako nga pala ang dapat na magpasalamat sa 'yo kasi sinamahan mo 'ko sa birthday ko. Buong-buo na ang birthday ko–"

Kapwa kami nagulat ni Jake nang may magsigawan sa labas.

May parang putok pa ng baril.

"Ano 'yon?!" natataranta kong tanong.

Nagmamadali na isinara ni Jake ang pinto at mga bintana.

"May riot na naman sa labas. Mga kabataan na adik. Last week, meron ding nangyaring ganyan. May namatay pa."

Natakot ako.

Ito ang kinakatakutan ko sa lugar namin kaya ayokong lumabas tuwing gabi.

This is not new to me.

No'ng hindi pa 'ko umaalis dito, lagi din may ganitong gulo dito.

"Pero... paano na 'yan? Paano na 'ko uuwi?" nag-aalala kong tanong.

Bumakas din ang pag-aalala sa mukha ni Jake.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now