18.2/6: Start All Over Again

711 4 0
                                    

[NICOLE]

"Ibinenta ko lahat ng gamit ko."

"Ha?" gulat na reaksyon ni Maya. "You mean, all of your authentic signature bags?"

"Oo."

"Sayang naman... manghihingi sana ako, eh."

"Syempre hindi kita nakalimutan. Nagtira ako ng isa."

Bumakas ang tuwa sa mukha niya. "Talaga?"

"Oo. Nando'n sa cabinet na 'yon. Kunin mo na lang," sabi ko sabay turo sa isang cabinet dito sa kwarto.

Lumapit naman si Maya do'n at binuksan ang cabinet.

Nang makuha ang bag,

"Wow! Ang ganda!" masaya niyang sabi habang pinagmamasdan ang bag.

It's a black Chanel flap bag.

"You like it?"

"Sobra! Chanel! Finally, nakahawak din ng authentic!"

Napangiti ako.

Mahilig din kasi talaga si Maya sa mga bag.

"Well, I'm happy na nagustuhan mo."

"I super like it! How much is this, bes?"

"I think around 300k."

"Huhu! Totoo ba? Ibibigay mo na lang ba talaga 'to sa 'kin?"

"Oo naman, bes."

"Thank you, bes!"

Yes, ibinenta ko na lahat ng gamit ko na nakuha ko sa pagiging sidechick ni Kurt.

Few days ago kasi, pinag-iisipan ko na talaga kung ano ang gagawin ko sa buhay ko.

I want to start all over again.

At kasama sa pagsisimula na 'yon ay ang pagbenta ng lahat ng mga bagay na magpapaalala sa 'kin ng nangyari.

Of course, gusto ko rin naman tulungan ang sarili ko na makalimot at maka-move on.

Wala na ang lahat ng signature bags ko.

Louis Vuitton, Dior, Chanel, lahat-lahat.

Ibinenta ko ng mas mura.

Pati 'yong sapphire necklace na binigay ni Kurt sa 'kin na dapat ay para kay Lilian, ibinenta ko na rin ng mas mura.

Wala talaga akong tinira.

Lahat ng naipon kong pera ay nilagay ko sa account ko.

At umabot ang lahat ng 1.5 million.


Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now