8.7/11: He Chose Lilian Over Me

1.3K 8 0
                                    

[NICOLE]

Naglalakad ako ngayon sa mahabang eskinita dito sa lugar namin sa Parañaque.

Yes, pauwi ako sa 'min.

Wala naman akong choice, eh.

Birthday ko at wala akong makakasama sa Manila.

Wala naman kasi akong friends do'n.

Puro plastic din ang mga kaklase ko so I also don't have any friend from school.

Si Kurt lang talaga ang inaasahan ko na makasama.

Pero ang masakit lang, iniwan niya akong mag-isa sa condo unit niya.

May lakad daw siya.

Obviously, he chose Lilian over me.

Psh.

Sa nilalakaran ko ay biglang may gumapang na ipis.

Na naman.

Pero imbis na iwasan ko, gigil na inapakan ko ito.

"Bwiset! Hindi na nga ako pinili, eh!" inis kong sigaw.

Walang pakeng nagpatuloy ako sa paglalakad.

Wala na 'kong pakialam kung may nakasabit ba na ipis sa heels ko.

Basta ang gusto ko na lang, makauwi agad ngayon.

Pagliko ko sa isang kanto, may grupo ng mga nanay na nakatambay sa isang tindahan.

Tang-ina.

Isa pa 'to.

Ito ang ayoko 'pag umuuwi ng Parañaque, eh.

Andami kong madadaanan na mga tsismosa.

Huhulaan ko, may kwento agad silang mabubuo tungkol sa 'kin.

"Retokada."

See?

"Mukhang nakakaangat-angat sa buhay, ah."

"May jowang AFAM 'yan."

Tiningnan ko sila ng mataray.

"Required ba sa mga tsismosa ang maging magkakamukha? O baka dahil lagi kayong magkakasama kaya naging iisa na lang ang hilatsa ng mga mukha niyo? Ampapanget niyo!" bulyaw ko.

Naglakad na ulit ako.

"Ay? Kagandahan?"

"Feel na feel ang pagpapa-plastic surgery, ah. Gawa naman ang ilong."

"Baka nga hindi totoong babae 'yan, eh. Parang transginger, eh."

Mga hayop.

Ginawa pa 'kong luya.

"Ikaw naman, kung gulay ka, kamatis ka. Mabilis mabulok!" pahabol na sigaw ko.

Finally ay nakalayo na 'ko sa kanila.

Pero pagliko ko ulit sa isang kanto, may grupo naman ng mga lalaki na nakatambay sa tulay.

Tang-ina talaga.

Hindi pwedeng hindi ako papansinin ng mga tambay na 'to.

"Uy! Chicks!"

"Ang puti ng legs, ah. Wow na wow!"

"Hi, miss. Kailangan mo ng tulong?"

Inirapan ko sila.

"Putang-ina. Mukha ba akong nangangailangan ng tulong?!" sigaw ko.

Bakit ba kasi sila alok ng alok ng tulong?!

Nagpatuloy na 'ko sa paglalakad.

"Ang sungit naman."

"Paisa lang kami, miss. Pero lima kami lahat."

"Wasak na 'yan."

"Ang aasim niyo!" sigaw ko na lang.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon