14.3/17: Slum Area

711 5 0
                                    

[SABRINA]

"Shocks... I thought it's her car! Grab car pala!" I said.

Nandito kami ngayon nina Mara at Clara sa kotse ko.

Naka-park kami sa gilid ng kalsada sa isang slum area dito sa Parañaque habang nakatanaw kay Nicole na naglalakad na ngayon palayo.

Kanina, inabangan talaga namin siya sa isang condominium building na pinaghihinalaan namin na tinutuluyan niya.

And we were right!

We saw her na saktong kakasakay lang sa isang cheap na kotse.

We decided to follow her.

And we almost gave up dahil ang layo na ng napuntahan namin.

Nakaabot na kami dito sa Parañaque!

At ito ngayon ang malaking question mark sa isip ko.

What the hell is she doing here???

In a place like this?

Ni hindi ko nga alam na may slum area pala dito sa Parañaque.

"Hindi kaya... may iba pa siyang lalaki na pinupuntahan dito?" tanong ni Mara.

"Shocks. So do you mean, bukod kay Kurt, kabit din siya ng iba pang lalaki?" tanong naman ni Clara.

"But if that so," sabat ko. "Why in a place like this? I mean, look at this place. It's so close to slum in Tondo. Kung may iba pa siyang lalaki bukod kay Kurt, it must be a guy close to Kurt's level. Kasi kung hindi, para saan pa? Ano pang kailangan niya na hindi naibibigay ni Kurt? Kaya kung manlalalaki man siya, it's someone at Kurt's level at least. But by looking at this place, it's not a place na may makikilala kang katulad ni Kurt."

Napatango-tango sina Mara at Clara.

"You have a point, girl," sabi ni Mara.

"Pero kung wala siyang ibang lalaki dito, ano ang ginagawa niya dito?" tanong naman ni Clara.

"'Yan ang aalamin natin," sabi ko. "At malalaman natin 'yan kung susundan natin siya. Let's go, girls."

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum