4.2/8: Sapphire Necklace

1.5K 11 0
                                    

[KURT]

Pinilit niyang ngumiti. "Okay, let's just forget about it. Anyway, how was your day?"

I smiled as well.

At least, hindi na siya nagpakipot pa ng matagal this time.

"Okay lang. Medyo pagod sa training. Pero syempre nawala na ang pagod ko dahil nakita na kita."

Nagpigil siya ng ngiti. "Sus. Bolero ka talaga."

"Hindi, ah. I'm just telling the truth. Alam mo ba na ang ganda mo ngayon?"

"Sus. Lagi mo namang sinasabi sa 'kin 'yan, eh."

"Eh never ka naman kasing hindi naging maganda. Kahit nga kanina na nakasimangot ka, ang ganda-ganda mo pa rin."

"Oo na. Puro pambobola, eh."

Ngumiti na lang ako. "Anyway, how about you? How was your day?"

"It's good. Nabili ko na 'yong necklace na gustong-gusto kong bilhin."

Napakunot-noo ako. "What necklace?"

"The one I showed you last time, but I found out that it's not available here in the Philippines."

"You mean, the kashmir sapphire necklace from Hong Kong?"

Tumango-tango siya.

"What? Why?"

"Anong why? I told you that I really like it so I asked my auntie from Hong Kong to buy it for me."

"Binili ko rin kasi siya para sa 'yo, eh," I said.

"Really?"

"Yeah. Dala ko nga ngayon. Balak ko sanang ibigay sa 'yo as a surprise."

"What? May I see?" gulat niyang sabi.

Kinuha ko sa bulsa ko ang maliit pero eleganteng jewelry box na naglalaman ng sapphire necklace na binili ko.

Iniabot ko ito kay Lilian na agad niya namang binuksan.

Bumungad ang makinang at halatang mamahaling sapphire necklace.

"Sayang naman. It costs 500k pa naman."

Kinuha niya sa box ang kwintas at tiningnan, kumikinang-kinang ito sa bawat pagtama ng liwanag dito.

"It's okay. At least dalawa na ang necklace mo na ganyan."

"No. Ayoko," sabi niya. "Hindi siya magandang tingnan sa collection ko kung merong magkapareho. Let's try to ask the jewelry shop if they can offer us a refund for this. Or kahit palitan na lang ng kahit anong ibang necklace do'n."

"Ang hassle. Maybe I'll give it to my mom instead."

"Oh. That's better."

"Sure ka ba na ayaw mo?"

"Yeah. Give it to tita na lang. She's gonna like it for sure."

Huminga ako ng malalim. "Okay..."

Nakakadismaya kasi minsan lang ako mag-effort.

Napunta pa sa wala.

"Bakit kasi hindi ka nagsabi na may balak ka pala na bilhin 'yan?" she asked.

"Because I wanted to surprise you."

Bumuntong-hininga siya. "Okay. I appreciate the gesture. But sadly, it's a failed attempt."

Medyo napasimangot ako sa sinabi ni Lilian.

But it's okay.

Mahal ko si Lilian.

Kahit pa may ugali siya na hindi maganda minsan.

I can tolerate it for her.

Ibinalik na ni Lilian ang necklace sa jewelry box at inusog pabalik sa 'kin.

"Anyway, kumain na muna tayo," I said to change the atmosphere.

Sumenyas ako sa waiter.

Lumapit naman ang waiter at iniabot sa 'min ang menu.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now