19.5/14: Online Class

634 5 0
                                    

[NICOLE]

"Tapos na 'ko," sabi ni Jake at nag-unat ng kamay.

Nandito kami ngayon sa sala ng bahay at nakaupo sa study table namin habang parehong tutok sa mga laptop namin.

Parehas kami na may kasalukuyang online class.

At parehas din kami ng subject.

"Tapos ka na?" tanong ko. "Hindi pa 'ko tapos, eh. Hindi ako marunong sa essay."

"Tulungan kita."

Inusog ni Jake ang upuan niya palapit sa 'kin.

Magkatabi na kami ngayon.

"Tungkol saan ba 'yang sinusulat mo?" tanong siya sabay silip sa screen ng laptop ko.

Pero agad ko 'tong tinakpan.

"'Wag."

"Bakit?"

"Nakakahiya, eh."

"Ha? Bakit naman?"

"Ano kasi..." 

"Ano?" 

"Basta."

"Tungkol saan ba 'yan? Patingin nga."

Inalis niya ang mga kamay ko sa screen.

Tumambad ang picture ng dalawang paru-paro na magkapatong.

"How Do Butterflies Mate?" tanong niya.

"Yeah."

"Bakit kasi 'yan pa ang napili mong topic? Haha."

"Haha. Akala ko kasi madali lang. 'Di bale, kukuha na lang ako sa Google. Ipa-paraphrase ko na lang."

"Haha. Madaya ka."

"Nahihirapan na 'ko, eh. Tapos hindi mo rin naman ako matutulungan."

"Sorry. Hindi ko alam 'yan, eh. 'Yong sa tao lang ang alam ko. Haha."

"Haha. Baliw."

Ipinagpatuloy ko na ang pagsusulat.

Nahihirapan talaga ako.

Lalo na dahil nasa tabi ko si Jake at pinapanood ang ginagawa ko.

"Ah... Nicole."

"Hm?"

"Naaalala mo pa ba?"

"Ang?"

"No'ng unang beses na ginawa natin 'yon?"

Yung nangyari ba sa 'min ang tinutukoy niya?

"Ang alin?"

"'Yan," sabi niya sabay nguso sa screen ng laptop ko.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now