7.1/11: May Kasalanan Ka Pa

1K 8 0
                                    

[NICOLE]

"And the HM cooking contest starts... now!" sabi ng emcee sa stage dito sa auditorium ng university.

May cooking event ngayon dito para sa mga Hospitality Management students.

Limang mahahabang mesa ang nakahilera sa stage kung saan may bawat pair mula sa iba't ibang section ang nakapwesto para magluto bilang mga contestants.

Nagsimula na ang timer kaya nagsimula na rin sa pagluluto ang mga contestants.

Puro kitchen appliances, kitchen utensils, gulay, karne, spices at kung ano-ano pang may kinalaman sa pagluluto ang nasa mga mesa nila.

At bilang Hospitality Management student, required akong um-attend dito.

Kaya nga kahit hindi naman ako kasali sa kahit anong contest sa event na 'to, I'm here for the attendance and grade.

Nandito ako ngayon sa auditorium seating at mag-isang nakaupo sa part na wala masyadong tao.

Nakakainis kasi ang tagal ng class secretary namin na may hawak ng attendance.

Mag-a-attendace lang kasi ako at uuwi na rin agad.

I don't have any friends here so I don't have any reason to stay.

Ang hirap pala talaga maging loner.

"Nicole," tawag sa 'kin ng isang lalaki.

Kilala ko ang boses na 'yon.

Nilingon ko ito at nakita si Kurt na naglalakad papalapit sa 'kin kasama ang ilan sa mga kaklase niyang lalaki.

Napansin ko na kinilig ang ilan sa mga babae na malapit sa 'kin nang makita si Kurt at ang mga kaklase nito.

I can't blame them.

Ang gagwapo naman kasi nila.

But of course Kurt is the most handsome among them.

But since Business Management students sila, hindi ko alam kung bakit sila nandito.

"Kurt..." nag-aalangan na sabi ko pagkalapit nila.

I'm still a little hesitant to talk to him because of what happened in the Chanel store.

Nagalit siya, eh.

I've already explained and cleared it to him in the best way I could but I'm still not sure if it's already enough.

"May kasalanan ka pa sa 'kin," sabi niya.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now