17.7/8: It's Time To Dispatch You

769 6 0
                                    

[NICOLE]

Muli ay mapangmatang tiningnan ni Lilian ako at si Sabrina at dinuro kami pareho.

"Narinig niyo naman siguro lahat 'yon, 'di ba? Harap-harapan naman nang sinabi sa inyo ng boyfriend ko. Ito na ang huling beses na gusto ko kayong makita. After this, I want both of you to be completely gone. Dahil kundi, malalaman niyo kung ano ang kaya kong gawin. I came from a wealthy and powerful family, always remember that. So don't try to mess with me. This serve as my first and last warning."

Hindi ako sumagot.

Gano'n din si Sabrina.

Pero gaya ng sinabi ni Lilian, narinig ko naman ang lahat ng sinabi ni Kurt.

Malinaw naman ang lahat ng 'yon.

At wala na 'kong magagawa pa kundi sundin 'yon.

Wala na rin akong panghahawakan pa.

"Babe, where's her things? Nagawa mo ba ang sinabi ko?" tanong ni Lilian kay Kurt. 

"Oo, babe."

Lumapit si Kurt sa kama.

Doon ay may maleta at mga paper bags.

Those are my things.

"Ito na ang lahat ng mga gamit niya."

"Good," sabi ni Lilian at saka hinarap ako. "It's time to dispatch you, bitch."

Hinila niya 'ko sa buhok palabas ng condo unit.

Ang sakit sa anit!

Itinulak niya 'ko kaya napaupo ako sa sahig.

Pumasok ulit siya sa kwarto at paglabas ay bitbit niya na ang mga gamit ko.

Pinaghahagis niya sa 'kin ang lahat ng gamit ko.

"'Yan na ang lahat ng nakuha mo sa boyfriend ko! Sana masaya ka sa mga 'yan! Isaksak mo sa baga mo lahat! Pero 'wag na 'wag mong kakalimutan na kapalit ng bawat isang bahay na 'yan ay may sinira kang relasyon! Malanding gold digger! Umalis ka na!"

Pumasok ulit si Lilian sa loob.


Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now