16.4/19: Malandi Ako

581 4 0
                                    

[JAKE]

Ano ang sasabihin niya?

No'ng umalis siya dito sa lugar namin, at sinabi niya sa 'kin na 'wag na 'wag kong tatangakain na pakialaman pa ang buhay niya, sumunod ako.

Kaya wala akong kahit anong alam sa mga nangyari sa kanya.

"Sige. Ano ba 'yon?"

"Malandi ako, Jake."

Kumunot ang noo ko.

"Ha? Bakit mo naman 'yan sinasabi sa sarili mo, Nicole? 'Wag kang ganyan sa sarili mo."

"Nagsasabi lang ako ng totoo, Jake."

"Hindi ka malandi."

"Malandi ako. Kabit nga ako, eh."

Natigilan ako sa sinabi niya.

Kabit siya?

Paano?

Hindi ko maintindihan.

"Naguguluhan ako sa mga sinasabi mo, Nicole."

"I decided to live in Manila, right? I thought I would have a better life there. Oh, well, yeah, masasabi ko naman na naging mas better ang life ko doon financially. But everything didn't go as planned."

"Bakit?"

"Dahil naging kabit lang ako doon. Ng isang gwapo, hot at anak-mayaman na lalaki. He has a girlfriend of course. Na mahal na mahal niya. But her girlfriend can't satisfy him in bed kaya hindi siya makuntento. So he looks for a sidechick who can fulfill his sexual needs. And he found me. So yeah, naging parang parausan niya 'ko."

Parang nadudurog ang puso ko ngayon habang pinapakinggan ang bawat salita na binibitawan ni Nicole.

Hindi ako makapaniwala.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now