Prologue

28K 463 9
                                    

Prologue


Pinanood ko kung paano makipaglaro si Laurine sa anak at pamangkin ni Camilla. Lumapit naman si Camilla sa pwesto ko na may dalang orange juice at cookies na nasa hawak niyang tray and I can't help but smile while looking at Laurine and how happy she is.


"Ang cute cute ng anak mo 'no, Freya?" Sabi ni Camilla.


Umupo siya sa katabi kong lounge chair. Nilingon ko siya saka ko siya binigyan ng isang mapang-asar na ngiti.


"Maganda kasi ang nanay." Sagot ko.


Sumimangot si Camilla at inirapan ako. Tumawa na lang ako habang siya ay tinawag na ang mga bata. Tumatakbong lumapit sakin si Laurine kaya agad kong kinuha ang tuwalya sa tabi ko.


"Careful, Lauri. You might slip." Warning ko sa anak ko.


She giggled na nagpa-ngiti ulit sakin. My daughter is just so cute whenever she giggles.


"Mommy, cookie." Sabi ni Laurine at tinuro ang mga kalaro.


Pinunasan ko muna siya at tinuyo saglit ang buhok saka ko binalot ang tuwalya sa kanya. Mahirap na at baka magkasakit pa siya dahil sa lamig although it's summer.


Kinandong ko si Laurine at binigay ang hinihingi niyang cookies sakin. Pinanood ko pa kung paano tuwang-tuwa na kumakain si Laurine ng cookies na gawa ni Camilla.


This is my angel, Laurine Isabel Jimenez. She's 3 years old and a wonderful child. Me and Camilla raised her by ourselves. Walang tulong sa pamilya o kung kanino man. Hindi kasi alam ng pamilya ko ang tungkol kay Laurine and I'm trying my best to hide her from anyone.


Laurine is a result of a mistake but I love her dearly. I never treated her as a mistake and I will never treat her that way.


"So, Freya." tawag sakin ni Camilla.


Nilingon ko si Camilla na kandong naman ang anak niya at sa tabi niya ay ang pamangking niyang lalaki. Saglit lang ang naging paglingon ko kay Camilla dahil kailangan ko pang asikasuhin ang anak ko.


"Kailan start ng trabaho mo?" tanong niya.


I have to move to another company again. Yung mas malapit na sana sa tinutuluyan kong bahay pero wala eh. Ganoon pa rin.


"Bukas na. Kinakabahan nga ako eh." sagot ko.


"Ba't naman? It's not like first time mong papasok sa panibagong kumpanya, ano? You've done this so many times." sabi niya.


Binaba ko si Laurine mula sa pagkakandong sakin para makapag-swimming ulit sila ng mga kalaro niya saka ko sinagot si Cami.


"Duhh? Iba na makakasama kong katrabaho. Iba na rin ang boss ko. Siyempre kakabahan talaga ako. It's different." sagot ko.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now