Chapter 4

12.2K 242 1
                                    

Chapter 4 - Hindi pwede


"Ahh, sige po. Thanks for the information." sabi ko at pinatay na ang tawag.


Bumalik ako sa lapag kung saan nakaupo si Camilla at si Laurine. Tinuturuan namin siyang magbasa at magsalita pa ng maayos. So far, she's doing great. Nakakatuwa nga siyang panoorin eh!


Pinatay ko yung TV saka ko pinakinggan si Camilla at Laurine.


"Read this, baby." sabi ni Camilla at bumaling sakin.


"Diretso na siya magsalita. Nakakatuwa para siyang si Elliot." sabi ni Camilla sakin.


"I guess matalino nga ang anak ko." sabi ko at tumingin sa paligid."Nasaan yung dalawang bata?" tanong ko.


"Nandiyan lang yan! By the way, kailan mo pag-aaralin si Laurine?" tanong ni Cami sakin.


Natigilan ako. Well, hindi ko pa kasi sigurado kung sakto na ang savings ko para sa pagpapa-aral kay Laurine. Oo may naipon ako nang pumunta ako sa ibang bansa para magtrabaho pero minsan ay nagagamit ko yung sa pang-araw araw ko. Wala pa rin akong sweldo sa kumpanya ng mga dela Vega. 


Namalo ng mahina si Laurine sakin kaya pinansin ko siya saglit saka sumagot kay Cami.


"Siguro kapag nag-four years old na siya." sagot ko.


Tumayo siya at isusubo niya na sana ang hawak na sugar cookie nang may nag-doorbell. Natigilan rin sa pagbabasa ang anak ko habang nagpapalitan kami ng tingin ni Camilla.


"Were you expecting someone besides us?" tanong niya.


"Nope." sagot ko at tumunog ulit ang doorbell.


Tumayo ako at hinawi ang kurtina ng bintana para sumilip. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Theon sa labas at tinawag na ang pangalan ko. Aamba pa siyang titingin sa bintana pero agad kong binalik ang kurtina bago niya pa ko makita.


"Freya! Your car is here! I can smell you too!" aniya.


Napa-what pa ko at tumingin kay Camilla. Tumayo siya at agad niyang binuhat si Laurine. Pumanhik sila sa taas papunta sa kwarto ko. Naging sign ko yun na buksan na ang pinto para salubungin si Theon.


"Theon," tawag ko rito na mukhang may tatawagan siya.


Tumingin naman si Theon sakin na naka-ngiti na pero agad rin iyong napawi. Tumikhim naman ako nang pasadahan niya ko ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha ko. Lumapit na lang ako at tumuon sa may maliit kong gate.


"Napadaan ka?" tanong ko.


"Ba't ganyan suot mo?" tanong niya pabalik.


Sinuri ko namang mabuti ang suot kong damit. Wala naman akong nakitang mali at kahit isang butas ay wala rin akong nakita. Simple lang rin naman ang damit ko. Simpleng spaghetti strap na tank top at cotton shorts. Sigurado naman akong may panloob rin ako bago ko siya labasin ng bahay. My typical indoor outfit.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now