Chapter 25

9.5K 198 4
                                    

Chapter 25 - Same mistake


Bright neon lights, loud EDM music coming from the speakers and a crowd surrounded us nang maka-pasok kami sa loob ng Valkyrie. Carly was excited. First time niya raw kasi maka-pasok dito sa Valkyrie. I wasn't, actually. I'm just here with them para hindi ako mag-mukhang killjoy kay Donna. 


Hinila ko ang laylayan ng bodycon dress ko dahil umangat ito ng kaunti. Napabili kasi kami ng damit bago pumunta dito dahil sa event. Good thing na may dalang sasakyan si Carly. Doon na lang namin iniwan ang mga damit namin.


Nag-tipa ako ng text para kay Jodie the moment that we got into our booth. Carly reserved the whole booth nang tawagan ko siya kanina then she paid for everything. Binalik ko sa loob ng bag ko ang cellphone at naabutan si Donna na dumiretso sa dance floor para sumayaw.


Umupo ako sa tabi ni Carly na busy umorder ng drinks naming tatlo. Nang matapos siya ay tumingin din siya sa kung saan ako nakatingin. Kay Donna.


"I feel sorry for Donna." ani Carly, sakto lang para marinig ko siya.


Umiling ako. I feel the same. Biglaan na lang kasi talaga ang paghihiwalay ng dalawa. Just by looking at Donna and Sean, they looked like they really love each other na tipong hindi na talaga sila mapaghihiwalay.


Bumalik si Donna nang dumating na ang orders ni Carly. Finger foods, juice para sa aming tatlo, tequila at isang bote ng mamahaling wine ang nasa mesa namin. I looked at Carly with disbelief. Kinindatan niya lang ako at kumuha na agad sa mga finger foods.


Sa nakikita ko pa lang ngayon na laman ng mesa namin, napapaisip na agad ako kung paano ako uuwi ng buhay. I seriously don't want to go home wasted and I'm going to drive home!


"Relax, Freya! I can drop you off!" ani Carly, hawak na ang isang baso ng tequila sa kamay.


Donna sat beside me, looking all depressed. Nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya at kinuha at ang isang baso ng tequila sa mesa para i-abot sa kanya. I'm sure that this is what she needs.


Kinuha niya ito sa kamay ko at ininom ito ng isang lagok. That surprised me a little pero naka-recover din ako agad dahil malakas nga pala sa ganito si Donna.


"What really happened, Donna?" ani ko, enough for her to hear me.


Umurong naman sa tabi ko si Carly para makinig din sa sasabihin ni Donna.


"Dumating ang mama ni Sean. Hindi niya pa rin aprubado ang relasyon namin." aniya at narinig ko na malapit nang umiyak ulit si Donna.


Tumingin si Donna sa amin ni Carly. "Nakipaghiwalay si Sean sakin kanina." She answered then she started sobbing.


Hinaplos ko ang likod ni Donna para pa-kalmahin siya. I hope it's helping, though.


"Sabi ko, ayaw ko pero sabi niya lang na it's for the best. Ang sakit sakit!" She cried out.


An Honest MistakeWhere stories live. Discover now