Chapter 31

10.3K 170 1
                                    

Chapter 31 - Hindi na lang


A week has passed  ay pinayagan na ng doktor na makalabas ng ospital si Laurine. Everything that they did helped Laurine recovered and I can really see that Theon's really grateful dahil kausap niya ngayon ang secretary niya para gumawa ng paraan para makatulong sa ospital na to.


The bright sunlight almost blinded me at ang malakas na hangin ang gumulo sa buhok ko. Kinailangan ko pang suklayin ang buhok ko gamit ang mga daliri ko para pagsamahin ang buhok ko.


Laurine's sitting on a wheelchair in front of me, kandong-kandong ang stuffed toy na binigay sa kanya ni Theon noong nakaraang araw. Hindi niya na ito binibitiwan ever since her daddy gave it to her. Hinihintay kasi namin ang sasakyan ni Theon. He's picking us up.


"Daddy!" Laurine cheerfully said nang huminto ang sasakyan ni Theon sa tapat ng ospital at bumaba siya.


"Hello, princess!" Ani Theon at binuhat si Laurine mula sa wheelchair.


He gave Laurine kisses on her cheeks at ang anak namin ay humahagikhik lang.


"Freya." Tawag ni Theon sakin bilang pagbati.


I was about to kiss him on his cheek pero umiwas ito sakin and instead planted a soft kiss on my lips. I looked at him, astounded pero nginisian niya ko.


"You're not my daughter, you're my fiancee kaya 'wag sa pisngi." Sabi niya pa.


Umirap ako sa kawalan na nagpatawa kay Theon. Nagpasalamat ako sa nurse nang kunin nito ang wheelchair na ginamit ni Laurine. Theon was already placing Laurine on her baby seat nang makapunta ako sa sasakyan niya.


Nang matapos siya ay akmang bubuksan ko na ang pinto ng passenger seat pero inunahan agad ako ni Theon. Binuksan niya agad ito para sa akin kaya napatingin muna ako saglit sa kanya.


"Okay ka lang ba?" Tanong ko.


He chuckled a little bago sumagot. "I'm okay. Get in para makaalis na tayo." Aniya.


Dahan-dahan akong tumango at sumakay na sa sasakyan niya. Sinundan ko lang siya ng tingin habang umiikot siya para makasakay. When he got in ay tinignan niya muna ako at si Laurine bago niya pinaandar ang sasakyan.


It wasn't a long silent ride dahil maingay si Laurine. She used to tell her stories to me pero ngayon ay ka-hati ko na si Theon sa mga kwento ni Laurine. I can see that Theon is patiently listening to Laurine's stories at magtatanong as if he's really curious.


"Well where do you want to eat, Laurine?" Tanong ni Theon nang ihinto niya ang sasakyan dahil sa traffic light.


"Jollibee!" She quickly said, raising both of her arms.


"Jollibee it is, then." Tumatawang sabi ni Theon.


Agad naman akong napahawak sa bisig ni Theon na nasa manibela. He took a quick glance at me bago siya nagsalita. "What is it?" Tanong niya.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now