Epilogue

16.5K 276 22
                                    

Epilogue


"Theon, humihinga ka ba?" Tanong ng magaling kong pinsan.


Sinamaan ko ng tingin si Lawrence na biglang tumawa sa reaksyon ko. Hindi ko alam nararamdaman ko pero pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malamig. Freya is the only girl who always gives me this kind of feeling.


Binalik ko ang tingin ko sa may pintuan ng simbahan. Nagsisimula na ring mag-set up ang media na inimbita ni Freya. Apparently, they gave what my fiancée wished for. Nandito nga sila para ipakita sa publiko na pakakasalan ako ni Freya, no matter what I did for the two of us. 


And I couldn't help but be impatient! 


Nasaan ka na ba? I hope you're close! Ilang kilometro lang ang layo ng hotel natin dito sa simbahan! Hindi excuse ang traffic dahil wala nun dito sa Ilocos!


"Oh? Nakakunot na ang noo mo, dude." Ani Jack at sabay silang tumawa ni Lawrence.


"Naiinip ako." Inis na sagot ko saka ko tinignan ang relong pambisig ko.


Fuck! May ilang minuto pa bago magsimula ang kasal! 


"Maaga pa, Theon! Kumalma ka nga!" Natatawang sabi ni Lawrence.


"Darating si Freya. Hindi na tatakbo yun." Seryoso nang sabi ni Jack habang tinatapik ang balikat ko. Bumaling naman ito kay Lawrence. "Inaasar mo ba si Theon dahil nakakatuwa talagang asarin 'to ngayon o naiinggit ka kasi siya tatali kay Freya?"


It was my turn to chuckle at my dumb cousin. Sumimangot ito sa sinabi ni Jack at kami naman ang nagtawanan ni Jack.


I admit that it took my mind off of waiting for Freya pero agad ding bumalik sa dibdib ko ang kaba at takot ko na baka tumakbo na nga ito pabalik ng Maynila.


Damn it! Abot-abot ang tahip ng dibdib ko sa isipang baka tumakbo na naman palayo si Freya. I can't even wait for her to get here! I would seriously get hurt if she decided not to show up!


Gusto kong bumilis ang oras ngayong araw na ito. In that way, matatali na ito sakin. Hindi na nito iisiping tumakbo. Hindi na ito mawawala ng tuluyan sa paningin ko. She'll stay by my side just like how I wanted.


Napasabunot ako sa buhok ko at inis na lumabas ng opisina ni papa. Nasuntok ko pa ang pader sa labas dahil sa sobrang galit ko. I don't fucking know what to feel right now. I'm feeling anxious? Angry? Hindi ko na alam.


Sinabi lang naman ni Mamang ang tungkol sa gagawing announcement mamaya at wala akong magawa para pigilan iyon. Then I remembered Freya. But remembering her isn't enough to calm my frantic insides. I have to see her again. No, I need to see her again. It wasn't a want, it was always a need.


Agad akong tumakbo patungo sa kung saan ko siya iniwan, sa mesa ng mga kamag-anak ko. Mas binilisan ko ang takbo ko nang dumilim na ang mansyon. I pushed every guest out of my way just so I could reach Freya in time.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now