Chapter 13

9.5K 177 0
                                    

Chapter 13 - Tripping


Inaayos na ni Carly ang buhok ko. Kitang-kita ko ang sarili ko sa salamin. Kung kanina'y mukha akong tao, exaggeration na siguro kung sasabihin kong mukha na kong dyosa. I can't believe na binibigyan ko ng compliment ang sarili ko.


"You're done!" ani Carly at pinatayo na ko.


Maigi kong tinignan ang sarili ko. I wore one of the dresses Carly bought for me. Oo, one of the dresses talaga. It's peach colored. Tube type na mini dress ito. She even made me wear a white ankle strap heels para lang makumpleto ang outfit ko ngayon.


 Ang buhok ko ay kinulot niya lang habang ang make-up ko kanina ay dinagdagan niya lang ng kaunti. Pagkatapos ng mga ginawa at pinasuot sakin ni Carly, I can say that I look great.


"Seriously?" tanong ko.


"What?" aniya.


Hinarap ko si Carly na hanggang ngayon ay hindi pa nag-aayos. Doon raw siya sa bahay nila mag-aayos.


"Ako ba to?" tanong ko pa. I even pointed at myself.


"Of course!" sagot niya. "You're actually pretty kahit na hindi kita ayusan."


Umirap ako at hinawakan pa ang damit ko.


"Is this appropriate? Okay lang ba to?" tanong ko pa.


Tumango siya at nagsalita. "Trust me, some bitches are wearing micro dresses. I'll be wearing a mini dress, too. Don't worry!"


Bumuntong hininga ako. Wala na naman kasi akong magagawa. I'm just going to go with the flow. I also need to keep in mind na si Carly ang masusunod kapag kaming dalawa ang magkasama. 


Tumingin siya sa relo niya bago ako hinarap ulit. "The party starts at 6. Hindi ako makakapayag na magmaneho ka ng nakaganyan that's why I asked my driver to pick you up at 5:30." bilin nito na tinanguan ko.


Tumungo na siya sa pinto na sinundan ko para ihatid siya sa labas. "I'll be there soon. Text mo ko kung nasaan ka." aniya at sumakay na siya sa sasakyan niya.


Kumaway pa ko sa kanya saka ko pinanood umalis ang sasakyan ni Carly. Bumalik naman ako sa loob at agad dinampot ang cellphone ko. I need to call Camilla. Bukas na lang ako makikipagkita sa kanya dahil linggo naman bukas.


Agad kong dinial ang numero ni Camilla sa cellphone ko habang nakaupo ako sa kama ko. Maaga pa naman at medyo malayo pa ang 5:30. Masyado rin kaming natagalan ni  Carly sa pag-aayos pero mamaya pa naman siguro ang dating ng driver ni Carly.


"Hello, Freya! Napatawag ka?" bungad nito sakin.


"Camilla! Pwede bang bukas na lang tayo magkita?" tanong ko agad.


Tumawa naman si Camilla sa kabilang linya. "Family day bukas, uy!" 

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now