Chapter 28

9.5K 173 6
                                    

Chapter 28 - Selfish


"Your daughter's lab test results is positive for Dengue fever. I suggest that she stays for a few more days para mabantayan ang sitwasyon ng anak mo." Ani sakin ng doktor.


After a few hours of waiting ay ngayon lang ito pumasok sa kwarto ni Laurine. Teary eyed, I nodded my head and looked at the doctor.


"Whatever's best for my daughter, gagawin ko. Thank you, Doc." Sabi ko rito.


Tumango lang ito at umalis na kasama ang nurse na nakasunod sa kanya. Bumaling ako kay Laurine na natutulog na ulit ngayon. She woke up and threw up bago pa dumating ang doktor kanina. Kaya't pinalitan siya ng hospital gown at miski ang kumot at kobre kama niya ay pinalitan din.


"Eh ate, paano po yung dugo ni Laurine? Ano po bang blood type niya?" Tanong ni Jodie habang inaayos ko ang higaan ni Laurine.


Bumuntong hininga ako. Isa pa yan sa mga problema ko. I have to be prepared for that. May possibility na bumaba pa ang platelet count ni Laurine. Although the doctors are starting to watch over it, kailangan pa rin handa ako.


"O-negative si Laurine." Sagot ko.


Theon has the same blood type as his daughter. A-positive ang blood type ko and Laurine can't receive any from me dahil O-negative lang ang pwedeng tanggapin ni Laurine. So literal na dugo ni Theon ang dumadaloy sa katawan ni Laurine.


Bago ko pa makalimutan ay agad kong tinext si Donna kung nasaan kami ni Laurine. Wala pang ilang minuto ay nagreply ito na pupunta sila ni Carly ngayon.


I waited for a few minutes at nang makaramdam ako ng gutom ay inutusan ko muna si Jodie na bumili ng makakain naming dalawa. Inabutan ko siya ng pera at saktong dumating sila Donna na kasama si Carly.


Carly hugged me as if she's transferring some of her energy to me cause to be honest, I feel drained. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling may mangyari pang masama kay Laurine. All I want right now is for her to be healthy again.


"Freya, gising na si Laurine." Tawag sakin ni Donna.


Lumapit ako kay Laurine and she's already starting to tear up. Agad ko itong inalo kasama si Donna. I brushed her hair using my fingers para sana kahit papaano ay maramdaman niyang nandito lang ako at ang mga tita niya.


"What's her blood type, Freya?" Tanong ni Carly sakin.


"O-negative." Diretsa kong sagot dito.


"Oh," Aniya sakin. Yeah, I know the feeling Carly. Mapapa-oh ka na lang talaga. "Theon is O-negative. I could ask him to donate without telling him about Laurine." 


Umiling ako. "Hindi na kailangan." Sagot ko ulit.


"Pero Freya--"


I cut Carly's sentence off. "Hindi na kailangan, Carly. Sasabihin ko rin naman agad kay Theon ang tungkol dito."

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now