Chapter 15

9.2K 186 2
                                    

Chapter 15 - All I've got


Nagising ako nang may ngiti sa labi ko. It's not because of what happened last night. This smile is because of my daughter because I'll get to see her today. Mahahalikan ko ang anak ko. Mayayakap, makakalaro, at iba pa.


Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga at niligpit ang pinaghigaan ko. Naglabas na rin ako ng dress mula sa mga binili ni Carly sakin kahapon. Papasok na nga sana ako sa banyo para makaligo na nang tumunog ang phone ko.


"Cami," tawag ko sa pangalan nito nang sagutin ko ang tawag.


"Hi, Freya! Papunta na kami sa simbahan. Hintayin ka na lang namin?" ani Cami.


"Sure. Maliligo lang ako then I'll go ahead." sabi ko rito.


Um-oo naman si Cami saka ko pinatay ang tawag. Dumiretso naman agad ako sa banyo para maligo, mag-blower ng buhok at mag-make up na rin. Sinuot ko na rin ang dress and wore heels na babagay sa damit ko.


Agad ko namang kinuha ang bag kong gamit kahapon at bumaba. Iniisip ko pa lang na magtaxi nang makita ko sa labas ang kotse ko. How in the hell...?


Napa-iling ako at lumabas na lang ng bahay. Nilock ko pa ito bago ako sumakay sa kotse ko na mukhang hinatid pa dito ni Theon. Pinasibat ko agad ang kotse ko papunta sa simbahan.


Pagkarating ko ay pinarada ko agad ang sasakyan sa parking lot at inakyat ang hagdan patungo sa may simbahan. Hinanap ko naman sila sa usual seat namin at doon ko nakita si Laurine na hawak ni Eric habang nakatungtong sa may upuan.


Nag-excuse ako sa iba pang mga nakaupo hanggang sa makarating ako sa inuupuan nila.


"Mommy!" Laurine excitedly said and raised her arms.


I shushed her saka ko siya binuhat at nakipag-beso kay Cami. Nakadress rin ito at ang buhok niyang straight at itim ay nakaponytail.


"Buti nakaabot ka." ani Cami na mukhang medyo kinakabahan.


"Of course." Ani ko at nagsimula na nga ang misa.


Habang nagmimisa ay naglilikot pa rin si Laurine. Nandiyan na yayakap sa leeg ko habang buhat ko siya. Hahalik sa pisngi ko o kaya ay magdadaldal sa akin. I tried entertaining her pero nakikinig pa rin ako sa sermon ng pari.


Nang matapos ang misa ay saka lang siya nakatulog sa balikat ko at nag-aya na si Cami na mamasyal na muna kami.


Kinuha muna ni Cami sakin si Laurine para makapagmaneho ako papunta sa Mall of Asia. Mabuti nga't hindi masyadong traffic papunta dahil nakarating agad ako. Linggo ngayon kaya akala ko mapupuno ng sasakyan ang kalsada.


Nagkita kami sa parking lot. Iniabot ni Cami sakin ang mukhang bagong iyak na si Laurine.


An Honest MistakeWhere stories live. Discover now