Chapter 34

9.3K 163 3
                                    

Chapter 34 - Whatever you need


"Theon, ibaba mo na lang ako sa harap ng building." Sabi ko rito habang nakahinto ang Equinox niya.


"Why would I do that?" Tanong nito.


Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. Minsan talaga masakit sa ulo kausap itong si Theon. Can't he see na hindi pa nga pwedeng malaman ng mga empleyado niya ang tungkol sa amin. Besides, I cannot handle another harassment from his employees.


"Napag-usapan na ito last week, Theon. H'wag mo namang kalimutan." Frustrated na sabi ko.


Tumawa ito saglit sa sinabi ko pero agad ding tumango.


"If you could just marry me without thinking twice." Sabi nito saka pinaandar ulit ang sasakyan.


Matalim na tingin ang ipinukol ko kay Theon nang sabihin niya iyon. Tumawa ulit ito kaya hindi na ko sumagot. He just won't stop convincing me that everything would be fine, that their plans would work kapag itinuloy namin ang kasal sa huwes. Apparently, I'm thinking of the opposite. It won't work. It will definitely put us in a much worse situation if we do this. If I'm going to marry Theon, I want it in the right way. Hindi yung patago sa pamilya niya. Dapat ay tanggap ako ng pamilya niya kung pakakasalan niya ko.


Isang linggo na ang nakalipas simula nang mapag-usapan ang tungkol sa kasal namin ni Theon. Plano na talaga nila ang magpakasal kami ni Theon sa huwes sa tulong ng ama ni Helio. Napag-usapan rin nila ang tungkol sa kung ano pang pwedeng mangyari kapag naisagawa ang plano. They wanted this to happen smoothly kaya't tumagal ng ilang oras ang meeting nilang magpipinsan noong gabi na iyon.


"You do know that I'm not in a rush, right?" Sabi ko rito nang ihinto niya na sa harap ng building ang sasakyan niya.


Kunot-noong sumagot ito sa akin. "You're not, but I am." Sagot nito.


Kumunot na rin ang noo ko. I don't know, pero kahit nandoon ako habang nag-uusap silang magpipinsan ay pakiramdam ko may tinatago pa si Theon sa akin. Sagot niya na mismo ang nagsasabi.


"Why are you in a rush, Theon? May itinatago ka pa ba sa akin?" Tanong ko.


Umiling ito bago bumaling sa akin. "I just want you tied to me. I want you bearing my name proudly kahit patago muna." Sagot nito, but I'm not convinced.


Nanatili akong nakatitig sa mga mata ni Theon, tinitimbang kung yun lang ba talaga ang dahilan niya o may iba pa. Cause to be honest, I'm not really convinced. Kahit naman na tinanggap ko ang proposal niya ay hindi naman ibig sabihin noon na gusto kong maikasal sa kanya agad. We can both take things slow.


Tumikhim si Theon kaya't nabalik ako sa sarili ko. Lahat ng pinag-usapan kasi nila'y nakakastress para sa akin pero mukhang hindi naman apektado si Theon ng mga iyon.


"Pumasok ka na. Keep texting me, okay? Sabay tayong kakain ng lunch. Doon ka sa opisina, Freya. Naiintindihan mo?" Sabi nito.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now