Chapter 37

8K 142 4
                                    

Chapter 37 - Wrong idea


"Hindi mo ba talaga ako kakausapin, Freya?" Tanong ni Theon nang makasakay na siya sa sasakyan.


We're going to home to where our daughter is. Hindi ako makapaniwala na halos makalimutan ko ang birthday ni Laurine. These plans were stressing me out. Idagdag pa ang sobrang pagka-inis ko kanina dahil kay Janelle. Kaya pala malakas ang loob. For her information, I'm the fiancée! 'Wag siyang mapapel!


Kanina pa ko kinakausap ni Theon simula nang hintayin ko siya sa desk ko dahil susunduin niya raw ako doon once na mawala na lahat ng empleyado. I had to lie na nag-overtime ako para hindi nila malaman na susunduin ako ni Theon.


"Freya," Tawag ni Theon sa akin, hindi pa pinatatakbo ang makina ng sasakyan.


"What, Theon?" Pagod na tanong ko.


Pagod din na nilingon ko siya. I can barely open my eyes from my tiredness at wala pa kong simula kaninang lunch dahil sa meeting na iyon. Hindi na ko kumain kanina dahil kailangan kong tapusin ang trabaho ko within this day. It really hurts my brain.


Nanatili naman siyang nakatitig sa akin at hindi nagsasalita. Tignan mo tong lalaking to. Kinukulit ako na hindi siya pinapansin at kinakausap pero kapag pinansin ko naman ay siya ang hindi magsasalita.


Nagtaas ako ng kilay kay Theon. 


"Pupunta tayo sa mansion sa Sabado." Sabi ni Theon.


Tumango ako. Kahit naman sumang-ayon ako o hindi ay pipilitin niya lang din ako na pumunta kami doon. Pero, ang plano niya ay pupunta kami doon kapag kasal na kami. Yung kahit sa huwes.


Agad akong napabaling kay Theon na pinaandar na ang sasakyan palabas ng basement parking ng kumpanya. Binalingan niya ko saglit at agad na binalik ang tingin sa kalsada.


"Hindi ba't ang plano ay pupunta tayo sa mga magulang mo kapag kasal na tayo?" Tanong ko rito.


Ngumisi ito. "Ayaw mong pirmahan yung marriage contract, Freya. Legal yun, trust me. Pirma mo na lang ang kailangan and then you'll be my wife." Sagot nito.


"Bakit ka ba kasi nagmamadali, Theon? May sakit ka ba? May taning na ba ang buhay mo at madaling-madali ka na pakasalan ako?" Paulan ko ng tanong.


"You won't understand, Freya. Hindi ko pa masabi sa'yo, I'm sorry." Sagot niya.


"Then make me understand, Theon. Paano ako papayag kung ayaw mong sabihin sa akin yung totoo?" Kunot-noong tanong ko. "I want to marry you so bad, too. But something is holding me back. You lying to me is holding me back."


"I'm not lying, baby." He muttered at pinabilis ang takbo ng sasakyan.


Umiling ako. "Hindi ka nagsisinungaling pero may hindi ka sinasabi sa akin." Sagot ko.


After saying those words ay nanahimik na kaming dalawa. Nanatili kaming tahimik sa buong durasyon ng byahe hanggang sa makauwi kami sa mansyon.

An Honest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon