Chapter 23

9.1K 172 9
                                    

Chapter 23 - Just like you


Dahil tapos na ang masasayang araw namin ay balik na kami sa trabaho. I have to work my ass off again para ready ako sa pagpapaaral kay Laurine. She's turning 4 in two weeks at isa pa iyon na paghahandaan ko. I wanted her birthday to be very special. Alam kong hindi ganoon kaganda ang birthday niya nung nakaraan because I wasn't there to stay with her.


"Good morning, Freya!" bati ni Donna sakin.


I gave her a smile. "Good morning." bati ko rin pabalik.


Nilapag ko muna ang gamit ko sa mesa bago umupo sa swivel chair. Matindi ang traffic papunta sa opisina. Goodness, papunta pa lang ako pero pakiramdam ko ay pagod na pagod agad ako. The traffic here in the Philippines is already draining my energy even though kasisimula ko lang ng araw ko.


Nasa kalagitnaan na ko ng pagtatrabaho nang bigla akong kalabitin ni Donna. Hindi ko siya nilingon but I spoke. "Bakit?" I asked.


"May gagawin ka mamaya? OT?" tanong niya.


Umiling ako. I have nothing else to do pero nangako ako kay Laurine na ipapasyal ko siya mamaya. "Hindi ako mag-oovertime pero may gagawin ako." I answered. Hininto ko muna ang ginagawa ko bago siya hinarap. "Bakit? May gala ka ulit?" 


Ngumiti pa muna si Donna sakin and I already know her answer. She quickly grabbed my arm saka ako inalog. "Sama ka samin! Kasama ko si Carly!" aniya, as if it would convince me to come.


"Hindi ako makakasama, I'm sorry. I have things to do." sagot ko.


Donna let go of me saka ako sinimangutan. Napangiti naman ako dahil parang bata si Donna sa harap ko na hindi napagbigyan sa gusto. I know Donna likes me being around her just like Carly and as much as I want to come, hindi ko magagawa dahil nakapangako na ko sa anak ko. She's my priority and I do not intend to break my promise to my daughter.


"Alright, fine! Mukhang hindi talaga kita makukumbinse na sumama." sabi nito.


"Good." sagot ko at nagpatuloy sa pagtatrabaho. 


Nagtrabaho lang ako ng nagtrabaho hanggang sa mag-lunch time na. Narinig kong gumalaw ang upuan ni Donna at naramdamang nasa tabi ko na siya.


"Wow! Amazed talaga ako sa kaya mong gawin, Freya." aniya, pinanonood ako mag-trabaho.


Sumandal ako ng matapos ako saka ko sinagot si Donna. "I didn't study electronic communications engineering for five years just for nothing, Donna." 


Pumalakpak naman ang bruha. She placed her hand on my shoulder and gave it a squeeze. "Lunch time na. Kain na tayo." pag-aaya niya.


Tumango ako at tumayo na. Ang wallet at cellphone ko lang ang dinala ko saka kami bumaba ni Donna sa canteen. Nakasalubong pa namin si Marie at Nelson na ngayon ko lang rin ulit nakita.

An Honest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon