Chapter 47

8.6K 138 4
                                    

Chapter 47 - Answers


Days go by so fast. Sa sobrang bilis ng araw ay hindi ko na namalayan na malapit na pala talaga ang pag-alis ko. 


Today is my last day in training. Bukas ang alis ko papuntang Malaysia at bukas din ang kasal ni Theon kay Janelle. It was rushed sa kagustuhan ng ama ni Janelle at ng lola ni Theon. Bakit pa nga ba daw patatagalin kung doon din naman ang punta. Besides, I heard from Lawrence na minamadali na rin daw ang merging ng dalawang malaking kumpanya. Now I wonder why...


"Freya, do you want anything?" Tanong ni Lawrence nang makapasok ito sa opisina niya.


I looked up to look at Lawrence. He sure looked tired dahil siya ang nag-aasikaso ng mga kakailanganin ko. Nanggaling din ito sa isang meeting kaya ganyan na lang ang pagod niya.


"I want coffee to get rid of my sleepiness..." Sagot ko rito.


Kumunot ang noo nito. "Bawal sa'yo ang kape, Freya. Your doctor already told you this." Panenermon nito.


"Alam ko. I was just kidding." Sabi ko.


I placed my elbow on Lawrence's desk saka ko pinatong ang baba ko doon. Lumapit na si Lawrence sa akin at tinuon ang parehas na kamay sa mesa niya. Inaantok na tinignan ko ito pabalik. I can't help but sigh. In each passing day, lalong lumalabas ang signs ng pagbubuntis ko. Kinailangan ko na ngang magpatingin sa ob-gyn nung nakaraan para sa check-up ko.


"I'm serious." Ani Lawrence. "What do you want? May cravings ka?" 


Suddenly, Theon's cooking popped in my mind. I missed his cooking especially the pastas that he serves only to me dahil alam niyang paborito ko ang luto niya. He's just that talented na nakakainis na nga dahil kaunti na lang ay nasa kanya na ang lahat!


"Don't bother, Lawrence. Hindi mo rin maibibigay." Sagot ko.


Saglit na nangunot ang noo nito pero tumango din sa huli. "Fine. I'll just grab something for us to eat. Hindi pwedeng hindi ka kumain." Sabi nito.


Tumango na lang ako saka siya lumabas ulit at siyang pagpasok ng sekretarya niya. She placed the glass of water that I was asking for sa mesa, malayo sa mga papel na nakalatag. Umalis rin ito agad kaya naiwan akong mag-isa ulit.


Bumuntong hininga ako dahil sa pagod. Everything is too tiring pero tulad ng sabi ko ay kailangan kong magsimula ulit. Just like how I did noong nabuntis ako kay Laurine. If I really want to start anew, I have to face these hardships again. 


Ilang pagbabasa pa ng articles at documents ay napagpasyahan kong tumayo at mag-ikot sa kumpanya. Nabuburyo ako dito at sigurado naman akong matatagalan pa si Lawrence na makabalik. But in case na mauna itong makabalik sa akin ay dapat hindi ako nito hanapin.


I left a small note on his table telling him na mag-iikot ako saglit sa kumpanya. Lumabas ako ng opisina niya as soon as I left the note para makapasyal ako. Besides, halos ilang linggo din ako nagtrabaho dito. Hindi ko pa gaano alam ang buong pasikot-sikot dito sa opisina and I'll surely miss everything around here. Mahigit ilang buwan din ako sa Malaysia.

An Honest MistakeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang