Chapter 3

14.3K 264 0
                                    

Chapter 3 - Hindi ko alam


Nagliligpit ako ng gamit ko sa table ko nang biglang may sumulpot sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin pero tinusok niya ko sa tagiliran ko kaya tinignan ko siya. Walang hiya tong si Donna! Kiliti ko yun!


"Ikaw pala." ani ko, pinipigil ang tawa ko dahil sa ginawa niyang pangingiliti.


"Uuwi ka na agad?" tanong niya.


Tumango ako at sumandal sa desk ko. "Bakit?" tanong ko, humahalukipkip.


"Aayain sana kita. Eh kaso pauwi ka na pala."


Ngumiwi ako. "Saan ba?" tanong ko. Baka pwede pang magbago isip ko.


Sinabi sakin ni Donna kung saan. Aniya'y magc-clubbing lang raw kasama sila Nelly kaya napangiwi ulit ako sa kanya at sinabing next time na lang. May pupuntahan pa kasi ako at ayoko rin naman palagpasin ito.


Tumango si Donna kaya nakipagbeso ako sa kanya. Sinara ko na ang zipper ng bag saka ako nagpaalam kay Donna na aalis na ko. Nag-out na rin ako at sumakay ng elevator. Pagkadating ko naman sa lobby ay nagpaalam ako kay kuya guard sa may pinto ng parking lot saka niya ko sinaluduhan. Nice!


Sumakay agad ako sa kotse ko nang makarating ako sa parking lot saka ako nagmaneho papunta sa SM Aura Premier na hindi rin naman kalayuan mula dito sa opisina. Napag-usapan rin kasi namin ni Camilla na mamasyal kasama ang mga bata. Sinama niya na rin si Eric, ang asawa niya.


Pagka-parada ay bumaba agad ako at pina-alarm ang kotse saka ako pumasok sa loob ng mall. Tinext ako ni Camilla kung nasaan sila naghihintay kaya dumiretso na ko doon. Nakita ko naman sila agad sa sinabing pwesto ni Camilla. Tinakbo ko ang distansya namin nang makita ko ang anak ko.


Buhat-buhat ni Eric si Laurine nang makita ko sila. Nang makalapit ako sa kanila ay agad kong pinaulanan ng halik sa pisngi si Laurine, 'causing her to giggle. Humalik naman ito pabalik sakin na ikinatuwa ko. Ang cute cute ng anak ko!


"Mommy!" aniya na medyo bulol pa nang matapos ko siyang kulitin.


Kinuha ko si Laurine sa mga bisig ni Eric saka ako nagsalita. "Salamat Eric, ha?" ani ko.


"Walang problema, Frey." sagot naman ni Eric sakin.


Hinalikan ko pa ulit si Laurine sa pisngi nang mabuhat ko siya. Bumaling ako kay Camilla para makipag-beso sa kanya. Tumingin naman ako sa anak at pamangkin ni Camilla.


" 'Sup, boys?" bati ko sa kanila at nakipag-apir sa kanila.


"Hi, tita Freya!" bati nilang dalawa sa akin.


"So, saan tayo?" tanong ni Camilla sakin.


Luminga-linga pa ko sa paligid para mag-isip kung saan pupunta. I sincerely don't know where to go. Wow! Hahahaha! 

An Honest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon