Chapter 21

9.1K 146 0
                                    

Chapter 21 - Do it right


Nagising ako nang may humawak sa braso ko at inaalog ako. I looked up only to see Theon trying to wake me up with this worried expression drawn all over his face. It wasn't a dream. It wasn't also a nightmare. It was a memory that I already forgot pero dahil nakita ko muli si Theon ay bumalik ito sa isip ko.


"Ayos ka lang?" he asked nang magising niya ko.


"Okay lang ako." I whispered.


Nagulat pa ko nang haplusin niya ang pisngi ko at naramdaman kong basa ang pisngi ko. Umiyak ako?


"You were crying out loud when I got here. Nightmares?" tanong niya.


Tumango na lang ako at umupo mula sa pagkakahiga. Nainis nga pala ako sa kanya kanina kaya ako bumalik dito sa suite at nakatulog dahil sa pagod. 


"Kanina ka pa dito?" tanong ko.


Umiling si Theon. "I just got here." sagot niya sa tanong ko.


Tumikhim naman siya bigla kaya napatingin ako sa kanya. "I'm sorry, nainis ba kita?" tanong niya.


Agad namang tumaas ang kilay ko sa tanong ni Theon. What does he think? Nakakaasar yung ginawa niya and sino nga ba ang hindi maiinis doon? You were asking nicely at ang mga nakuha mong sagot ay nakakatanga.


"Ano sa tingin mo?" tanong ko pabalik.


Humalakhak si Theon sa naging tanong ko. Gago talaga. "Look, Freya. I am deeply sorry for acting that way. Hindi ko sinasadya... I mean, half of it ay sinasadya ko but I'm still sorry." paliwanag niya.


"Nakadrugs ka ba?" tanong ko ulit.


Lalong lumakas ang tawa ni Theon. Tipong sa sobrang lakas ay napahiga na siya sa tabi ko kakatawa niya at nakahawak pa siya sa tiyan niya. Wow! Muntik ko nang isipin na nakadrugs talaga itong si Theon.


"Ang sakit mo sa tiyan, Freya. Do you honestly think that I'm using those?" tanong niya sakin.


"Malay ko ba kung nagsimula kang magdrugs nitong mga nakaraang taon." sagot ko.


"Kung hindi mo ko iniwan, edi sana kilala mo pa rin ako." he muttered out of the blue.


Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Tumingin rin siya sakin pabalik at seryoso na ang mukha nito. Parang hindi nanggaling sa pagtawa and wow he really sound so serious when he said that.


Theon smiled a little while at yumuko. "Although I promise you Freya that nothing changed." aniya at inangat ang tingin sa akin. "It's still me."


Ako naman ang ngumiti pabalik sa kanya. Alam ko, Theon. Nothing really changed because what I feel for you is still the same. Hindi ito namatay, inilibing lang ito ng buhay and now it dig its way out of its own grave. 

An Honest MistakeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum