Chapter 43

7.2K 146 4
                                    

Chapter 43 - Doon na lang


Umiiling na pumasok ako sa loob ng mansyon. Medyo madilim sa mansyon ngayon dahil kung anong oras na rin akong nakauwi. I'm a little bit tipsy dahil nag-aya sila Donna kanina na lumabas para uminom, to celebrate my success. Besides, wala rin naman si Laurine dito kaya't walang maingay.


Earlier after I successfully presented my work and after what happened inside that conference hall ay agad akong tumawag kay Jodie para ayusin na ang mga gamit ni Laurine at ang ibang gamit ko. I asked Theon's driver to pick them up at ihatid sila sa bahay ko. He was a bit hesistant to take orders from me pero nasindak ko ito.


Dumiretso ako sa kusina at pumunta sa kung nasaan ang wine rack ni Theon. I picked out something I know at kumuha ng wine glass sa cupboard. Binuksan ko ito gamit ang corkscrew na nanggaling pa sa drawer na nasa harap ko saka sinalinan ang wine glass. 


Tinikman ko ito at napapikit ako dahil sa lasa nito. It's enough to keep me calm. Hindi ako napakalma ng mga nainom ko kanina. Hindi rin kasi ito sapat para sakin. Inihatid lang ako ni Carly dito and she was looking at me na parang inaalam kung anong problema ko. At imbes na kalimutan ko ang mga nangyari kanina ay hindi ko nagawa dahil sa pagtatanong nilang dalawa.


Dinala ko ang baso at ang bote ng wine sa living room at doon ako umupo. Sinindihan ko na rin ang fireplace para makatulong ito sa pagpapakalma sa akin. It did help dahil napapikit pa ko sa kinauupuan ko.


"What do I do now?" Bulong ko sa sarili ko. "All my reasons are now gone."


Sumipsip pa ko ulit mula sa wine glass at pinansin ang paligid ko. Napakatahimik talaga. Hindi ko maiwasang hindi malungkot. 


Napangiti ako ng mapait. I'm supposed to be happy right now because I was successful in proving Janelle Reynoso wrong, but no. Mas malaki ang achievement nito kumpara sa akin. I got to prove myself to everyone. That I'm not just smarts at may skills din ako. Pero siya, she has Theon and anytime soon, sigurado akong matutuloy ang kasal nila sa kagustuhan ni tita Euridice at ang lola ni Theon.


A couple of minutes passed at hindi ko na namalayang naubos ko na ang laman ng bote. Kakaunti na lang ang laman ng wine glass ko at halos lupaypay na ko sa kinauupuan ko. Damang-dama ko na rin ang init ng balat ko sa dami ng nainom ko. I'm sure as hell na lagot ako kinabukasan sa paggising ko.


I was all sleepy nang maliwanag na ilaw ang halos bumulag sa akin. Galing ito sa labas at kahit naman na inaantok-antok na ko dala ng kalasingan ay kita ko pa rin ang sasakyan ni Theon sa labas.


I prepared myself sa pagpasok ni Theon kaya't hindi na ko nagulat nang mabilis na bumukas ang malaking vinyl door at pumasok si Theon kasama ang pinsan nitong si Matheus.


Ngumiti ako kay Theon nang mahinto siya sa paglalakad dahil nakita ako nito. Inubos ko ang laman ng wine glass bago ito maingat na pinatong sa side table. I was shaking uncontrollably pero nagawa ko pa rin itong ipatong nang hindi nababasag.


"Hi, my dear ex-fiancé! Welcome home!" Hindi ko napigilang sabi ko rito. I even said those words cheerfully.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now