Chapter 32

9.4K 168 1
                                    

Chapter 32 - Promise me


Kunot na kunot na ang noo ko sa sobrang pagkairita kay Theon. Gustong-gusto niya talagang iniinis ako sa kahit anong paraan na maisip niya at ako naman ay mabilis na maiinis sa kanya!


Nilingon ko ang kanina pang nakangising si Theon simula nang sabihin niyang gagawin niya ang lahat, h'wag lang ako makahanap ng isa pang trabaho kapag hindi ko siya pinakasalan. Now, as if I have a choice! Either way ay hindi pa rin ako makakapagtrabaho and as much as possible ay ayaw kong naka-depende sa kanya!


He raised a brow at me na agad ko namang inirapan. I heard his laugh again at naramdaman ko na lang ang pagtaas ng balahibo ko sa narinig na tawa ni Theon. So now he's amused?


"Have you already decided, baby?" Bulong nito sa tenga ko dahilan para mapaigtad ako.


I looked at him sharply and tried to focus on my anger at this guy than be disturbed by the awkwardness that I am feeling. Miski ang pagtawag niya sa akin ng mga endearment niya ay kinikilabutan ako. Hindi ako sanay.


"As if I have a choice, Theon." Ani ko at binalik na lang ang atensyon sa pag-aayos ng damit.


Before we left the mansyon at bago rin kami mag-away, pinakita sakin ni Theon ang walk-in closet kung saan mayroon nang damit ko at damit niya. Masyadong maraming damit doon para sa amin. As usual ay nakipagtalo ako. Ani ko'y marami pa kong damit dito sa bahay and I insisted him that I'll get some of my clothes at Laurine's.


"Then, it's clear." Aniya saka siya umupo sa kama ko.


"Hindi ba't may inuutos ako sa'yo?" Baling ko sa kanya.


Nanatili namang nakatingin sa akin si Theon. A hint of amusement was showing in his eyes. Nakangisi pa ito sakin at pilit ko namang binabasa ang isip niya, even though I couldn't.


"Inuutusan mo na ko?" Sabi niya.


I groaned in frustration. "Theon naman!" Sigaw ko sa pangalan nito saka ako tumayo. 


For freak's sake, ito ba ang haharapin ko kapag pinakasalan ko si Theon? Sana pala ay hindi ko na lang tatanggapin ang proposal niya at nag-apply na lang bilang katulong sa kanya! Tutal ay mukhang doon rin naman ang punta ng role ko.


Nagdadabog na dumiretso ako sa kwarto ni Laurine at kinuha ang ilang paper bags na iniwan ko doon. I fucking asked Theon to pack his daughter's clothes pero hindi niya ginawa. Instead, kinulit niya ko ng kinulit para lang pumayag na pakasalan siya. I did say yes to his proposal, right? He's out of his mind!


Kinuha ko na lang ang mga damit na gustong-gusto ni Laurine na suotin. These are some clothes that I bought for her at may ibang damit din doon na binigay ni Camilla.


Speaking of Camilla, hindi pa siya nakakatawag ulit sa akin. Are they even doing great? Kamusta na kaya si Elliot?


Mabilis naman akong natapos sa pag-aayos ng damit ni Laurine. Binuhat ko ang tatlong paper bag at dadalhin na sana sa kwarto ko nang makita kong nasa pinto na si Theon. Nakahilig lang siya sa hamba ng pinto habang pinanonood ako at hindi man lang talaga ako tinulungan?

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now