Chapter 50

11.4K 165 2
                                    

Chapter 50 - Date and time

Kinakabahan ako. Hindi na siguro mawawala sakin ang pakiramdam ng kaba sa tuwing kasama ko si Theon at pupuntahan namin ang pamilya niya. Mananatili na siguro sa dibdib ko itong kaba.

Diretso lang ang tingin ni Theon sa kalsada kahit na nakahinto ang Civic dahil sa traffic light. Kanina pa din ako tahimik at ganun din naman siya. Bukod sa wala akong masabi ay inoorganisa ko pa lahat ng gusto kong itanong kay Theon. Nabuhol ang utak ko sa lahat ng sinabi niya kanina. I want to keep my head straight kung magtatanong ako.

"Are you okay?" Tanong ni Theon.

Binaling ko ang tingin ko mula sa kalsada patungo kay Theon. He was already looking at me kaya nginitian ko ito.

"Okay lang ako. I was just thinking..." Sagot ko.

"You can ask now, Freya. Kahit ano pa yan." Sabi niya at pinaandar na muli ang Civic.

I bit my lower lip as I think of a question. Sa dami ng tanong ko ay natatakot ako na baka makalimutan ko ang iba. Curiosity might kill me right now kung hindi ito masasagot lahat.

"Nandoon ba silang lahat?" Tanong ko.

Theon raised a brow. "Sa ospital? Oo." Aniya saka ako sinulyapan. "Kinakabahan ka?"

Tumango ako. I heard Theon's chuckle again kaya't ngumuso ako. He can't blame me! Damang-dama ko kung gaano ka-ayaw sa akin ng lola niya para sa kanya!

"Freya, you're with me. Don't forget everything that I have said to you." Sabi nito. "I'll marry you, with or without their blessings, remember?"

Tumango ulit ako. Inalis ni Theon ang kanang kamay niya sa manibela para hawakan ang kamay ko. I intertwined our fingers para mahawakan ko siya ng maayos kaya't kahit hahawakan niya ang kambyo ay kasama ang kamay ko.

"Wala na ba talagang ibang nakakaalam ng plano mo bukod sa'yo at sa mga sekretarya mo?" Simula ko ulit ng tanong.

Umiling siya. "Alam ni Matheus but since he's not a dela Vega, hindi ko na sinabing alam niya. Besides, he doesn't want the media following him around for questions." Sagot nito.

"Eh paano yung sinabi mong kumpanya ng mamang mo? Hindi ko maintindihan." Sabi ko ulit.

"Oh, yun ba?" Tanong rin nito na tinanguan ko lang. "Hubry was originally owned by Mamang. Hindi ko na maalala kung paano napunta sa mga Reynoso iyon. Mamang mentioned about a debt that she had to pay bago niya pakasalan si Papang. Hindi na ito nabawi ni Mamang kaya ganun na lang ang kagustuhan niyang pakasalan ko si Janelle. She wanted the company back pero hindi niya alam paano babawiin."

My mouth formed an O upon Theon's explanation. That explains why she's so persuasive to have Theon marry Janelle. Kaya rin ayaw nito sa akin. Wala sa aking ang Hubry, nasa next heiress na si Janelle kaya ganun na lang ang pagkadisgusto nito sa akin. It's pathetic pero sino ba naman ako para sabihin yun. Theon's grandmother must be desperate enough to do that. It's competely understandable.

"We're here." Sabi ni Theon, bringing me back.

Tinignan ko siya na nagtatanggal ng seatbelt kaya ganun na rin ang ginawa ko. Umikot ito para pagbuksan ako ng pinto.

I got out kasabay lang ng pagbaba ng mga bodyguards ni Theon sa kotse nila. Theon's arm was waiting for me kaya lumapit na ko sa kanya. He wrapped an arm around my waist saka kami pumasok sa loob ng ospital.

Eyes were all over us pero dire-diretso lang ang lakad ni Theon habang kasama ako. Pinilit ko na lang din ang sarili ko na hindi sila pansinin though I gave a little smile to some people.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now