Chapter 46

7.9K 140 2
                                    

Chapter 46 - The truth


After the incident yesterday ay hindi na muna ako pinapunta sa opisina ni Lawrence. He asked me to take a break from all the studying and the training. I agreed too dahil ngayong sigurado na kami na may buhay nga sa loob ko ay gusto ko rin maging maingat. I have to take good and extra care of myself again dahil hindi ulit ako nag-iisa.


Carly was squealing once she got back. Nanggaling kasi ito sa probinsiya nila dahil kinailangan niyang bisitahin ang ina ni tita Carol. She quickly went back here when Lawrence popped the news.


"Hi, mommy Freya!" Aniya.


She's holding two plastics in each of her hands at mukhang alam ko na kung ano yun.


"Don't tell me longan din yang dala mo?" Tanong ko rito.


She smiled sweetly. "Well, ito ang sabi ni Lawrence. Don't you have anything else that you want or craving for?" Sabi niya.


Marahang umiling ako. "Wala naman sa pagkakaalam ko." Sagot ko.


Dahan-dahang tumango si Carly sa akin. Bigla namang sumulpot si Donna mula sa taas at kasama nito ang maganda kong anak. Laurine hugged me at amoy na amoy ko ang pang-batang shampoo at sabon nito. Donna took care of her dahil minsan ay sumasakit pa ang ulo ko. 


I told Laurine about my pregnancy last night. She was very cheerful nang sabihin ko sa kanya ito. She quickly enveloped me into a hug at agad na kinausap ang tiyan ko kahit na wala pa naman akong baby bump. I admit, I am quite excited too. Hindi nga naman inaasahan pero ano pa nga bang magagawa ko? It's already inside me and it's growing!


Laurine rubbed my tummy while she's sitting on my lap. Natawa na lang ang dalawa kong kaibigan sa ginagawa ni Laurine. Carly tried explaining pero ang makulit na si Laurine ay patuloy lang sa ginagawa niya.


Dahil ayaw kong nasa kwarto ako ay dito ako sa living room ni Donna nakahilata. I have two pillows behind my back at nakaupo ako habang nanonood ng TV. I have to sit up dahil kung hindi ay mahihilo ako. 


"Malapit na ang pasukan, Freya. Do you have a school in mind?" Tanong ni Carly.


"I think may nursery na malapit dito sa village. Hindi naman kamahalan, but it's clean at ang daming bata. Mataas din ang quality of education sabi ng kapitbahay." Sabi ni Donna.


Napatingin naman ako kay Donna. "Sigurado kang gusto mong magtagal kami dito?" Tanong ko rito.


Tumango ito na parang wala lang ang gusto nito. Seryoso talaga 'to? As far as I know kay Sean talaga ang bahay na ito at live-in sila ni Donna simula nang maging sila. Now, kung dito ako magtatagal, hindi ba't parang ang laki kong istorbo sa kanila? Magiging pabigat lang din kami ni Laurine.


Kaya ko namang mag-isa kung gugustuhin ko eh at yun nga ang gusto ko. Ang mag-isa. Camilla have helped all throughout my first pregnancy. Sa tingin ko naman ay kakayanin ko na mag-isa dahil dumaan na ko rito noon.

An Honest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon