Chapter 48

9.5K 171 9
                                    

Chapter 48 - Mananatili


Mabilis at malakas ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Hindi ko na alam kung saan ako babaling at kung papaano ako kikilos. I'm frantically looking everywhere at hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko!


"Stop crying, Freya. Bawal kang mai-stress!" Paalala nito.


Lawrence was driving fast makarating lang kami sa paroroonan. 


Humawak ako sa bisig nitong nakahawak sa manibela and he glanced at me a little bago niya binalik ang atensyon sa daan.


"S-Saan tayo pupunta?" I asked.


"Sa mansyon niyo ni Theon. Everybody's there." Alanganing sagot nito.


"Ano?" Gulat na tanong ko.


Tumango lang si Lawrence bago siya lumiko para pumunta sa Forbes Park. Dumoble ang kabang nararamdaman ko nang sabihin ni Lawrence iyon. Pakiramdam ko ay kada palapit kami ng palapit sa mansyon kung saan iniwan ko lahat ng hinanakit ko kay Theon ay lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.


Bumusina ng dalawang beses si Lawrence kaya bumukas agad ang gates ng mansyon. Laurine fell asleep habang nasa byahe kami kaya't nagising ito sa pagbusina ni Rence. 


I got out of his car as soon as maipasok niya ang kotse. Binuksan ko ang pintuan ng backseat para buhatin si Laurine na pupungas-pungas pa ang mga mata saka ako sumunod kay Lawrence na patungo na sa malaking vinyl door.


His bodyguard opened the door for us at ganoon na lang ang gulat ng pamilya dela Vega nang makita nila ako kasama si Laurine. They all looked at me and Laurine as if they saw a dead person who just got back to life. Well, what the hell. Hindi alam ni tita Euridice at ang lola nila Theon na may anak kami kaya ganyan na lang ang tingin nila sa akin.


"Anong ginagawa ng babaeng iyan dito, Lawrence?" Tanong ng lola nila.


Nagtagis ang bagang ni Lawrence sa tabi ko pero hindi ito sumagot. Instead, bumaling ito sa akin.


"Lumayas ka rito! Wala ka nang dinalang maganda sa pamilya namin!" Sigaw nito sakin.


I have two choices on what to feel. Yun ay ang masaktan o hindi, pero pinili ko ang h'wag masaktan. Theon is not here. He is missing at hindi naman pupwede siya o ang mga pinsan niya ang magtatanggol sa akin palagi. I maybe mad at Theon for not fighting enough for us, now I think I have to do my part. 


"Lawrence! Palayasin mo 'yang babaeng iyan!" Sigaw pa ulit nito habang dinuduro ako.


Laurine suddenly cried dahil sa takot sa lola niya. Inalo ko ito at doon na sumingit si Lawrence.


"Hindi niyo siya pwedeng paalisin dito dahil ang mansyon na ito ay nakapangalan kay Freya, mamang!" Sagot ni Lawrence.


An Honest MistakeWhere stories live. Discover now