Chapter 17

8.6K 168 6
                                    

Chapter 17 - Kumpleto


Dahil sa Tuesday daw ang sinasabing outing ni Theon ay umuwi agad ako pagkatapos ng trabaho ko. Magg-grocery ako ng mga kailangan ko para bukas at isasama ko na muna si Laurine. 


Nagpalit muna ako ng damit ko nang makarating ako sa bahay. Sunod ko namang binihisan si Laurine at tinali sa isang ponytail ang buhok niyang mahaba na. Binuhat ko siya saka kami bumaba ng kwarto at naabutan namin si Jodie na nanonood ng telenovela pero nakabihis na rin.


"Tara na, Jodie?" I asked her.


"Ay ma'am!" aniya na nagulat. Pinatay niya ang TV at chineck lahat ng kuryente kung may natira siyang hindi napatay.


Nauna na kaming lumabas ni Laurine habang si Jodie ay sinasara ang pinto at gate ng bahay. Sinakay ko naman sa likod si Laurine at pinaupo sa baby seat niya. Sumakay rin si Jodie kaya siya na ang pinagkabit ko ng seatbelt ni Laurine.


Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay tinanong ako ni Jodie. "Ilang araw po ba kayo doon, ma'am?" tanong niya.


"Three days and two nights raw, Jodie. Alagaan mo muna si Laurine habang wala ako, ha?" sagot ko.


"Siyempre naman ma'am! Si Laurine pa po ba ang pababayaan ko?" aniya na nagpangiti sakin.


Nang makarating kami sa SM ay agad akong bumaba ng kotse ko. Pinagbuksan ko sila ng pinto at naabutan ko si Jodie na tinatanggal ang seatbelt ni Laurine. Tinulungan ko na siya saka ko binuhat si Laurine. Hinintay kong bumaba si Jodie at ako na ang nagsara ng pinto saka ko pinatunog ang kotse.


Pagkapasok namin ay nagsaya na agad ang anak ko. She's giggling non-stop at nagpapababa na siya sakin. 


"Saan mo gusto kumain?" tanong ko sa kanya.


"Jollibee, mommy! Please! Please!" aniya at naglikot na sa bisig ko.


"Okay, Laurine. Jollibee it is." sagot ko.


She shouted 'yehey!' kaya napatingin sa amin yung ibang namamasyal. Nginitian ko na lang sila saka ko tinuon ang atensyon ko sa anak ko. I kissed her cheek and she did the same. Nakangiti lang naman si Jodie na pinanonood kaming mag-ina.


Kumain na muna kami sa Jollibee ni Laurine. Si Jodie na ang umorder ng makakain namin. Inabutan ko na lang siya ng pera habang kami ni Laurine ay umupo sa bakanteng mesa saka ko siya nilaro. Hindi naman natagalan si Jodie sa pag-order. Pagbalik niya'y may kasama na siyang employee ng Jollibee na dala ang tray.


Nang ilapag ang pagkain sa mesa ay nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain. Pinakain ko muna ng pinakain si Laurine. Nang umayaw siya ay ako naman ang umubos ng hindi niya nakain habang kumukuha siya ng fries.


Pagkatapos kumain ay dumiretso agad kami sa may supermarket. Nilabas ko ang listahan ko kaya pumunta muna kami sa mga kailangan ko for three days and two nights. Dumaan kami sa section na puro candy. Naglalakad lang si Laurine dahil ayaw niyang sumakay sa pushcart.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now