Chapter 9

9.9K 178 4
                                    

Chapter 9 - You dated


"Hello?" bungad ko sa tumawag sa phone ko.


"Freya, anong oras ka pupunta dito?" tanong ni Donna.


Tumingin ako sa orasan ko dito sa may kwarto. Hindi pa ko nagpapahinga dahil kauuwi ko lang din naman galing sa trabaho.


May party kasi si Donna ngayong gabi. Kahit ayoko, kailangan ong pumunta kasi nangako ako kay Donna noon. Naalala niya pa yung sinabing kong yun kaya eto ako ngayon. Walang kawala kay Donna.


"Nagliligpit lang ako. Pupunta na rin ako pagkatapos ko rito." sagot ko.


"Okay! Ingat sa pagmamaneho!" aniya at pinatay na ang tawag.


Inayos ko ang damit ko sa harap ng salamin. Naka-fitted ako na white v-neck shirt at isang itim na skinny jeans. Ang suot ko ay yung suot ko kanina na stilettos which are skin toned. Binalik ko sa bag ang cellphone ko saka ko binitbit ang shoulder bag para maka-alis na ako. 


Mas mabuting pumunta na ko ngayon para maka-uwi naman ako ng maaga. Binigay na naman na sakin ni Donna kanina ang address kaya hindi na ko maghihirapan maghanap. Medyo malapit lang rin dito sa subdivision ko.


After fifteen minutes ay nakarating agad ako sa bahay nila Donna. Traffic kasi kaya medyo natagalan. Uwian na ng mga empleyado kaya ganon siya ka-traffic. Buti nga't malapit lang ako dito kila Donna. Hindi ko kailangan maghintay ng matagal.


Pagkaparada ko ay nakita ko na si Donna na hinihintay ako sa labas. It's a big house, I admit kaya pagparada ko ng kotse sa tabi ay bumaba agad ako para tanungin siya.


"Is this really yours?" 'di makapaniwalang tanong ko.


Pinatunog ko ang alarm ng kotse kasabay ng tawa ni Donna. "Sa boyfriend ko siya actually. Live-in kami and kauuwi niya lang from Australia." sagot niya sakin.


"Bakit? Ano trabaho niya?" tanong ko.


"He's an architect." aniya na tinanguan ko.


Maya-maya ay inaya na ko ni Donna na pumasok sa may loob. It's not really that big na parang mansyon. Two-storey house with a modern touch ang bahay. White at brown rin ang pintura ng bahay nila. It's cool though. I like it!


Puno na ng bisita ang bahay ng boyfriend ni Donna. Aniya'y halo daw ng kaibigan niya at kaibigan ng boyfriend niya . Umuwi na raw nga kasi ang boyfriend ni Donna kaya welcome party ito para sa boyfriend niya. Nagmistulang club pa nga ang buong bahay sa dami ng inumin at pagkain. Madilim pa at party lights lang ang ilaw.Malakas pa ang tugtugin.


Maraming nagsasayaw at nag-uusap sa loob kaya dinala ako ni Donna sa may bakuran nila which is may pool pa pala. Iba rin ang tugtog dito at medyo kaunti rin ang tao unlike sa loob.


"Dito ka muna. Kuha lang kita ng makakain at maiinom." aniya kaya tumango ako.


An Honest MistakeWhere stories live. Discover now