Chapter 6

11K 203 3
                                    

Chapter 6 - Open book


Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko si Lawrence ngayon na mukhang tinititigan ako. Mas malala pa ata na makita ko si Lawrence kaysa kay Theon. Ang awkward lang kasi.


"Ang galing naman!" aniya bigla.


Napatigil ako sa pagtusok ng tinidor sa cupcake ko at napatingin kay Lawrence na may gulat. Ang weird lang? Tahimik siya noon eh. Hindi siya sumisigaw bigla. Ang cold pa nga niya sakin noon eh. Anong nangyari?


"Ha?" ani ko nang nagsalita siya bigla kanina.


"Akala ko talaga hindi ka na magpapakita eh. Buti na lang pala naghintay ako." sabi niya.


"Naghintay?" tanong ko.


Tumango si Lawrence saka siya tumingin sa mata ko ng may ngiti sa labi. He's really acting a bit weird tonight. Hindi ko magamay ang mood ni Lawrence ngayon.


"Wala ka namang boyfriend ngayon, 'di ba?" tanong niya.


Umiling ako. Boyfriend wala, anak meron.


"Great!" aniya na nagpagulat na naman sakin. "May I ask you out for dinner tomorrow, then?"


Umawang ang bibig ko sa narinig pero agad ko ring sinara. Ang bilis? Ano ba talagang meron? 


Napaisip na rin ako. I'm supposed to be with my daughter tomorrow. Sa tingin ko ngayon na lang ako matutulog kila Camilla.


"I mean, hindi lang pala dinner." aniya pa. "Let's just go out. Just you and me." dagdag niya pa.


"P-pero may trabaho ako." sabi ko rito, kinakabahan. Nakakaloka si Lawrence!


"Take a leave. You work for Theon, right?" aniya na tinanguan ko. "Then, I'll ask him."


Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lawrence. "Sigurado ka?


Tumango naman si Lawrence sa tanong ko pero mabilis akong umiling bilang pagtutol. Ang corny naman kung hihingi ako ng leave para lang makipag-date.


"Itetext ko na lang siya. Ako na ang bahala." sabi ko.


Ngumiti siya sakin saka siya sumagot. "I'll just meet you at the office, then."


Ngumiti rin ako pabalik saka namin tinapos ang pagkain. Tinext ko na rin si Camilla na ngayon ako matutulog sa kanila. Um-okay lang siya at hihintayin niya raw ako makarating sa kanila. Wala na naman sigurong traffic ngayon kaya makaka-uwi agad ako sa kanila.


Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ko kay Lawrence. Nagulat pa ko nang humalik siya sa pisngi ko kaya alanganin akong nginitian na lang si Lawrence saka ako sumakay sa kotse ko.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now