Chapter 10

10.5K 189 6
                                    

Chapter 10 - Sorry na


Tulala akong sumakay ng elevator. Hindi ko na nakausap ang anak ko kagabi dahil kung anong oras na ko nakauwi. I can't believe na twelve na ko nakauwi. Talagang napuyat pa ko!


Tumunog ang elevator at medyo late reaction pa ko kaya muntikan pa kong maipit sa gate ng elevator. It's a good thing na hindi talaga sila nang-iipit. I'll be dead by now, that's for sure. Kawawa si Laurine kung sakali.


"Good morning, Freya!" bati sakin ng receptionist pero nakangiwi siya sakin.


Nangunot ang noo ko sa kanya kaya ngumuso siya sa loob. Sinilip ko naman mula sa pwesto ko kung anong meron at nakita kong nagkakagulo sila sa may pwesto ko banda. Umiling na pumasok ako sa loob ng opisina at doon na bumungad sakin ang mas magugulo na mga empleyado.


Lumapit sakin yung isa at nagsalita. "Haba ng buhok mo, Engr. Jimenez!" aniya sakin.


"What?" nalilitong tanong ko pero ang bruha ay kinindatan pa ko.


Lumapit ako sa cubicle ko at pinatabi lahat ng nakaharang doon pero hindi nila ako marinig dahil sa chismisan nila. The hell is going on in here anyway?


"Hindi ko akalaing sobra sobra na ang taglay ng kalandian ni Freya." dinig kong sabi ng isang empleyado.


Nangunot lalo ang noo ko sa narinig.


"What did you just say?" mariing tanong ko.


Tumingin siya sakin at ngumisi. "Ikaw. Aren't you a flirt?" aniya.


Lumapit ako ng kaunti at inayos ang mukha ko. Hindi ko ipapahalatang masakit ang tanong niya. I'm not hurt because it's true. Alam ko sa sarili ko na hindi ako malandi pero nasasaktan ako dahil sa paraan ng paghusga nila sa pagkatao ko. 


"And how dare you judge me? You don't even know me well para sabihin iyan." sagot ko.


"Kahit naman hindi kita kilalanin halata naman." aniya at ngumisi. "Hindi ka makakatanggap ng ganyan kung hindi naman, 'di ba?" tanong niya pa.


"Stop being insecure. Kung gusto mo, iyo na lang 'cause I never asked for these things." ani ko.


"I'm not---" 'di ko siya pinatapos.


Ngumisi ako bago nagsalita ulit. "Oh really?" sabi ko.


"How dare you!" sigaw niya.


Humakbang siya palapit sakin at aambang sasampalin ako. I was ready to receive the slap from her when somebody caught her hand.


"Lay a hand on Engr. Jimenez and I swear to God you'll regret it." sabi ng katabi ko.


An Honest MistakeWhere stories live. Discover now