Chapter 49

10.9K 181 9
                                    

Chapter 49 - Wish


"How's everything, Julius?" Ani Theon habang hawak ang cellphone niya gamit ang kaliwang kamay.


I was watching Theon talk to his secretary, si Julius, habang nakaupo pa ko sa kama naming dalawa. Nakatuon ang kanang kamay nito sa hamba ng sliding door habang kausap si Julius. He's wearing nothing but his sweatpants.


"You don't have to clean it up for me. Ako na ang gagawa noon." Sabi ni Theon bago pinasadahan ng kamay ang buhok. "Just set up a press conference this afternoon. I'll do the cleaning." 


Nanlaki ang mata ko. Oh! I thought he was joking about the press conference last night!


"Kahit sa kumpanya na. Our company is big enough to handle events like those. Don't worry about it, Julius." Sabi pa nito.


Gumalaw si Theon at humarap sa akin. His serious face makes me want to lie back on the bed and hide behind the covers. Ganun ang epekto ng tingin ni Theon sa akin.


Theon walked back to the bed at marahang umupo sa tabi ko. He offered his hand in front of me na agad ko namang hinawakan. 


Marahan ako nitong hinila para mapalapit sa kanya. Tinulungan pa ko nitong alisin ang kumot na nasa baywang ko para makalapit ako sa kanya ng maayos. I am wearing his shirt and a new panty kaya't malaya pa din akong nakakagalaw.


He made me sit in between his thighs at agad na pinulupot ang isang braso sa baywang ko.


"We'll go an hour before the press conference. Siguraduhin mong kumpleto ang media." Utos pa ni Theon.


I caressed Theon's cheek, feeling the roughness of it beneath my palms. He has stubbles pero hindi ito ganun kahaba dahil hindi naman ito makikita sa malayuan.


"She's in front of me. Do you want to talk to her?" Ani Theon.


Napatingin ako sa mga mata nito. "Ano iyan?" I asked.


Theon nodded at inalis sa tapat ng tenga niya ang cellphone para itapat naman ito sa tenga ko. Hinawakan ko ang kamay nito na may hawak sa cellphone pero hindi ako nagsalita. I heard voices from the other line and they're somewhat familiar.


"It's Mara. She's about to ask you something." Sabi ni Theon sakin.


Tumango ako at nagsalita na. "Hello?" Bungad ko.


"Good morning, Engineer Jimenez. May itatanong lang po ako since bilin ni Engineer dela Vega na opinyon mo ang kunin." Sabi ni Mara.


"Ano ba ang itatanong mo?" Sagot ko rito.


Naramdaman ko naman ang kamay ni Theon na hinahaplos ang baywang ko ng paakyat baba. I gave him a sharp glare at ang hunghang ay ngumisi lang sakin.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now