Chapter 1

22.1K 378 10
                                    

Chapter 1 - Maalala


Napa-iling ako sa iniisip ko. Lumayo ako sa desk ko habang sapo ang noo. Sa lahat ng taong pupwede kong maging boss, bakit siya pa?


"Freya," tawag sakin ng babaeng katapat ko ng desk.


Nilingon ko siya at nginitian niya naman ako. Ngumiti ako pabalik sa kanya saka siya tumingin sa magkabilang tabi na parang natatakot siya na may makahuli sa amin na nag-uusap sa gitna ng trabaho.


"Ako nga pala si Donna. Kapag kailangan mo ng tulong o ng kausap, dito lang ako." bulong niya.


Tumango ako saka ko siya nginitian ulit. "Salamat." sabi ko na tinanguan niya.


Nagsimula na kong magtrabaho. Hindi ko dapat ubusin ang oras ko sa pagsisisi at sa pag-iisip kung bakit si Theon pa ang naging boss ko. Wala naman talagang dahilan para ikakaba ko ang pagiging boss niya sakin. Siya pa nga itong dapat kabahan eh. Pero, kakabahan naman siya saan?


Tumagal ako ng halos tatlong oras sa ginagawa ko. Binaba ko ang huling tawag at inalis ang headset sa akin habang tinatapos ko itong panghuli na problema.


May lumapit sa tabi ng desk ko at tinawag ang pangalan ko. Sinulyapan ko naman siya saglit at nakita ko si Donna.


"Lunch na. Hindi ka pa kakain?" tanong niya sakin.


"Kakain siyempre. May last pa akong aayusin kaya wait ka lang." sabi ko.


"Mamaya na yan. Mas mahalaga kumain. Sige ka, ikaw rin." aniya at may pinindot sa keyboard ko dahilan para mag-offline ako.


Ngumuso ako at tumayo na. Kinuha ko na lang sa bag ko ang wallet at cellphone ko saka ako sumunod kay Donna na naunang naglakad papunta sa may elevator. Kabilis naman kasi talaga maglakad nitong babaeng to samantalang mas matangkad ako!


Dumiretso kami sa cafeteria ni Donna para kumain. Umupo kami malapit sa pillar kung saan nandoon ang iba niya pang kaibigan na katrabaho rin namin.


"Freya, si Marie at si Nelson. Friends ko. Guys, si Freya." simpleng pakilala sa akin ni Donna.


Sinampal ni Nelson ang kamay ni Donna na nagpatawa kay Marie at Donna.


"Donna bruhilda, ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na Nelly kasi at hindi Nelson?" tanong ni Nelson kay Donna.


"Yun kasi ang pangalan mo." sagot ni Donna.


Tumingin ako kay Nelson. I admit that I'll sound rude kung sasabihin kong ang panget ng pangalan niya para sa isang gwapong nilalang. Pero nang sabihin niyang Nelly ang pangalan niya ay may pumasok na conclusion sa utak ko.


"You're gay?" tanong ko rito.


Nanlalaking mata siya na tumingin sakin. "Sakit ng sinabi mo bhe. Babae ako, teh. Babae!" aniya at may kunyaring punas pa siya ng luha.

An Honest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon