Chapter 12

10.3K 182 2
                                    

Chapter 12 - Don't fit


Nagising akong nakahiga sa may kama ko sa loob ng kwarto. Napalinga pa ko because I can feel a pair of eyes are staring at me kaya nang makita ko si Theon sa may gilid na nakaupo sa may sofa ko ay hindi na ko nagulat. 


"Sorry. I had to stay." ani Theon sakin.


Umiling ako sa sinagot niya bago ako nagsalita. "Okay lang. Ako dapat nahingi ng pasensya." sagot ko.


Tumayo si Theon mula sa sofa para lapitan ako. Umupo ito sa tabi ng kama ko at tinignan ako. Hindi ko alam pero nakikita ko sa mata ni Theon ang galit at lito pero sa hindi ko malamang dahilan. 


"He's not going to touch you, Freya. I won't let that." aniya pagkatapos niyang bumuntong hininga.


"Pero Theon kailangan---" para kay Laurine. I need to leave pero naputol ni Theon ang sasabihin ko.


"You don't have to leave. Wala ka bang tiwala sakin? I can find a way, Freya. Basta sabihin mo sakin kung anong napapansin mo sa kanya. I can protect you, just trust me." ani Theon sakin.


Natahimik ako. Theon's being over-protective of me. Hindi ganito si Theon noon sa akin. Sa tingin ko ay naging OA lang siya sa sitwasyon ngayon dahil nahalata niya rin ang mga kilos ni Alvis. Gusto ko ang proteksyong sinasabi ni Theon sakin. I want that pero si Laurine ang iniisip ko. Paano ang anak ko? Namin ni Theon.


Matapos akong titigan ni Theon nang matahimik ako ay lumipat ang tingin niya sa braso ko. Hahawakan niya sana pero iniiwas ko na agad.


"Wala kanina yan, Frey. What did he do to you?" aniya.


"Humigpit lang ang hawak niya sa braso ko." simpleng sabi ko.


Hindi ako nakapaghanda nang hablutin ni Theon ang braso ko kaya napa-urong ako palapit sa kinauupuan niya. Napadaing pa ko dahil bruho tong si Theon! Talagang malapit pa doon sa pasa ako hinawakan, mahila lang ako!


"Aray ko, Theon!" sigaw ko rito nang mapadapa ako sa tabi niya.


"Titignan ko kasi." inis na sabi nito.


Napairap ako sa kawalan saka ko itinago ang mukha ko sa kama habang siya ay hinahaplos ang pasa sa may braso ko. Napapangiwi naman ako kasi taragis talaga to si Theon! 


"Hindi ka pa ba aalis?" tanong ko nang iangat ko ang tingin ko sa kanya.


"Pinapaalis mo na ko?" tanong niya pabalik.


Hinampas ko siya gamit ang kamay kong libre. "Tinatanong ka ng maayos! 'Wag mong sagutin ng isa pang tanong!" sabi ko rito.


Tumawa si Theon bago sumagot. "Ang high blood! May dalaw ka ba?" 


An Honest MistakeWhere stories live. Discover now