Chapter 22

8.5K 166 9
                                    

Chapter 22 -  Illegitimate


Hininto ni Theon ang sasakyan sa tapat ng bahay ko. The lights are out so baka tulog na ang anak ko at si Jodie. Gabi na kami nakarating ni Theon dahil medyo ma-traffic ngayon dahil Friday at may mga nauwi sa probinsya ng gabi. 


"Salamat sa paghatid." I muttered.


"Anything for you." sagot niya.


Binalot ulit kami ng katahimikan ni Theon. I don't know but I'm quite enjoying this silence that's surrounding us. 


Bigla namang tumikhim si Theon kaya napatingin ako sa kanya. "What happened when Lawrence found you?" tanong niya, nakatingin pa rin sa harap.


Hindi ako nakasagot kaya't humarap ako sa windshield. There's a connection between me and Theon na hindi ko alam but it's stopping me from telling him the truth about Lawrence.


"Forget about it, Theon." sagot ko.


Umiling ito. "I don't wanna forget about it. I want to know." 


"Just please." sagot ko at hinarap ulit siya.


He was already looking back at me nang harapin ko siya. He looks like he is begging me to tell him the truth about what happened. Alam niya na ang tungkol sa pagkakatalisod ko dahil sa sanga kaninang tanghali and I'm sure, that's not what he wanted to know.


Bumuntong hininga ako. Fine. Hindi ko na pwedeng dagdagan pa ang pagsisinungaling ko kay Theon. He's my best friend. If he wants to know about what his cousin told me, then I'll tell him. Masyado nang malaking kasalanan ang pagtatago ko sa kanya tungkol sa anak namin. Telling him about Lawrence wouldn't hurt anybody.


"Lawrence confessed while we were on our way back." sagot ko.


His lips were pressed into a thin line at ganun na lang ang gulat ko nang suntukin niya bigla ang manibela. I quickly grab hold of his tensed arm para pigilan siya sa pagsuntok muli dito. 


"He took the chance nang mawala ka sa paningin ko." sabi nito. Nilingon ako ni Theon, seryoso pa rin ang mga tinging binigay sa akin. "Ayokong mawawala ka ulit sa paningin ko, Freya. Do you understand?"


Wala sa sariling napatango ako. He nodded back and unlocked the doors. "Good night, Theon." I muttered which he answered back.


Bumaba ako ng sasakyan ni Theon dala-dala ang mga gamit at pasalubong na binili ko para kay Laurine. I watched him leave before getting inside.


Malinis ang bahay nang makapasok ako. Jodie fell asleep on the couch at katabi niya si Laurine. I guess they were watching hanggang sa makatulog sila dahil cartoons ang palabas sa TV na naiwang bukas. Pinatay ko na lang ito saka ko inilapag sa may sofa ang mga dala ko bago ko nilapitan ang anak ko sa tabi ni Laurine.


Inalis ko ang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ni Laurine. She doesn't look so much of Theon but she got some Theon's features. Nakuha nito ang kulay ng mga mata at buhok niya. Miski ang mannerisms ni Theon ay nakuha rin ni Laurine and the rest were from me.

An Honest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon