Chapter 18

9.2K 161 5
                                    

Chapter 18 - Unbelievable


"Wala kang gustong kainin, Freya?" tanong ni Theon habang nasa byahe kami.


Kanina ko pa tinitignan ang cellphone ko, nagbabaka sakaling magtext ang katulong at humingi ng tulong pagdating kay Laurine.


"Ha?" ani ko nang hawakan ako sa siko ni Theon.


"Okay ka lang? Kanina ka pa nakatingin sa phone mo." sabi nito.


Saka ko lang napansin na nakahinto na pala ang sasakyan ni Theon sa drive thru ng KFC. May isa pang sasakyan sa harap namin kaya nang umandar ito ay pinaandar na rin ni Theon ang sasakyan niya.


"Uhh, kahit ano Theon." sagot ko.


"Okay ka lang ba talaga?" tanong nito.


Tumango ako at nginitian siya. Nag-aalala lang ako sa anak natin, Theon. 'Wag ako ang alalahanin mo.


Umorder si Theon ng medyo maraming pagkain na ikinagulat ko. May fries, fun shots at dalawang fully loaded meal. Oo, kami lang dalawa ang nasa sasakyan niya ngayon. Akala ko nga'y kasama namin si Rence at si Carly dahil sabi niya nung nakaraan ay sasama itong mga to.


"Akala ko ba kasama natin sila Carly?" tanong ko.


"They decided to go on their own." sagot niya.


Tumaas ang kilay ko. Weh? "Hindi nga?" paninigurado ko.


"What? You don't believe me?" aniya sakin.


Marahan akong umiling sa kanya na ikinatawa niya naman. Maya-maya'y hininto ni Theon sa isang tabi ang sasakyan niya at bumaba ng sasakyan niya. Bago siya pumunta sa likod ay sumilip siya sa bintana niya.


"Itinabi ko muna ang sasakyan para makakain tayo. Ayos lang ba?" tanong nito.


"Oo naman." sagot ko at bumaba na rin ng sasakyan.


Binuksan namin ni Theon ang pinto ng backseat saka kami nagsimulang kumain ng agahan. Hindi ko alam kung saan kami patungo. All I know is I'm quite enjoying this trip with him. 


Nang matapos ko ang fully loaded meal ay ang fun shots naman ang tinarget kong kainin. Pinanonood lang naman ako ni Theon kumain habang nakain siya ng sarili niyang fun shots.


"Now that made me stop worrying." sabi nito habang tinitignan ako.


"Ang alin?" tanong ko.


"Pagkain lang pala kailangan mo para bumalik ka sa sarili mo." aniya, sinawsaw sa gravy ang fun shots na hawak.


Hindi ko nga rin alam na gutom na pala ako. Naramdaman ko lang yung gutom nang magsimula kaming kumain ni Theon dito sa backseat. 

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now