Chapter 20

9.7K 159 5
                                    

Chapter 20 - Take it all


"Party! Wooh!" sigaw ng mga barkada namin ni Theon.


Naging maingay dito sa loob ng van na parehas naming sinasakyan ni Theon kasama ang barkada habang si Theon, ang kawawang si Theon ay nananahimik sa tabi ko. Broken hearted kasi siya kaya ganito na lang ang pagka-tahimik niya.


"Theon! Kalimutan mo na yun si Cressia! You'll find someone better soon!" ani Alex sa kanya.


Tumingin naman si Theon sakin. I gave him a little smile, just to tell him that it's alright. Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko at automatic na umangat ang kamay ko para haplusin ang pisngi niya. I can feel Theon's pain. I can feel it so much.


"Buti ka pa hindi mo ko iniiwan." bulong ni Theon, sakto lang para marinig ko.


Napangiti ako. I would never leave you, Theon. This is a promise from me to you.


"Pa-sunod daw si Lawrence." sabi ni Lara at lahat sila ay nagtinginan sakin.


Inasar naman ako ng lahat nang banggitin ang pangalan ni Lawrence. Yes, long time crush ko si Lawrence. Simula pa high school ay magkakasama na kaming tatlo ni Theon at ni Lawrence at high school pa lang ay may paghanga na ko kay Lawrence.


Theon's suffering from a heart break. Right after the graduation ceremony ay nakipaghiwalay si Cressia sa kanya sa kadahilanang hindi nito kaya ang long distance relationship. She was bound to leave this country and head for New York para doon mag-trabaho.


Now a week has passed ay ganito pa rin si Theon. Sa buong isang linggo na yun ay tinatawagan niya ko dahil gusto niyang may kausap siya. Sanay daw kasi siyang kausap niya si Cressia sa araw-araw.


Matapos ang isa't kalahating oras ay nakarating na kami sa resort dito sa Laguna. Kanya-kanya naman kaming baba ng mga gamit namin at nung mga pagkaing dala namin. Bukas ang ilaw ng malawak sa swimming pool at ang fountains nito nang pumasok kami.


Si Ryan na naunang bumaba ng sasakyan ay kausap na ang nagbabantay dito sa resort. Nagulat naman ako nang buhatin ni Theon ang gamit ko.


"Ako na." aniya kaya nginitian ko na lang siya at pinabayaan.


Tumatakbong bumalik si Ryan sa amin at nilahad ang parehong kamay na may mga susi ng kwarto.


"Dalawang bed per room daw. Sino maghahati-hati?" tanong ni Ryan.


Nagtaas ng kamay si Camilla at hinila ako. "Share kami sa room ni Freya tapos share na rin sa room si Raisa at si Lara." ani Camilla.


Sumang-ayon naman yung dalawang babae at kumuha ng isang susi sa kamay ni Ryan. Sila na lang bahala na maghati-hati. Mga lalaki naman sila, wala namang arte sa katawan yang mga yan.


Ini-akyat muna namin ang mga gamit namin sa kwarto at nagbihis ng panligo para hindi na kami aakyat ulit sa taas ni Camilla after kumain. Ganun na rin ang ginawa ng iba. Katabi ng kwarto namin ang kwarto ni Theon. Magkasama daw sila ni Lawrence at ni Jack doon.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now