Chapter 44

7.4K 143 5
                                    

Chapter 44 - Let go


"Mommy, my toy!" Tawag sakin ni Laurine habang hawak ko siya.


Nilingon ko ito saka ko siya binitiwan para makuha niya ang laruan na nabitiwan. Ayaw na nitong magpabuhat sakin at kahit hindi pabor sa akin yun ay okay lang. Mabigat na rin kasi si Laurine matapos nitong mag-birthday.


Nilahad ko ulit ang kamay ko sa kanya at agad niya naman itong hinawakan.


We continued walking papasok sa lobby ng kumpanya. As usual, busy na naman ang buong DVI dahil sa pagkakaalam ko ay may paparating daw sabi ni Lawrence sa akin noong nakaraang linggo. As much as I want to know who they are, hindi ko na lang tinanong kay Lawrence dahil hindi naman ako kasali sa board.


"Ma'am," Tawag sa akin ng isa sa mga bodyguards namin ni Laurine.


Binalingan ko siya at nagtaas ng kilay. 


"Puno po ang elevator." Sabi nito sa akin.


Nilingon ko naman ang elevator at nakita kong nagsisiksikan nga ang mga epleyado ng mga dela Vega sa dalawang elevator. Anong oras na rin kasi kaya siguro nagkukumahog silang makapunta na sa department nila. Besides, traffic is really toxic.


"Okay lang. Hindi naman nagmamadali si Lawrence." Sabi ko sa kanya.


Tumango na lang ito saka siya muling dumistansya sa amin ni Laurine. We waited for a couple of minutes hanggang sa lumuwag na ang elevator. Mara and Julius even saw me with Laurine. Nginitian ko lang ang mga ito at nagpatuloy sa paglalakad. Sigurado akong nasa likod ko lang si Theon at sasalubungin nila.


Hinawakan ng bodyguard namin ni Laurine ang gate ng pinto para makapasok kami and I was right. Theon was walking with his secretaries on his sides at nakakunot ang noo nito nang humarap ako.


"Daddy!" Tawag ni Laurine nang makita si Theon.


Nawala ang pagkakunot ng noo ni Theon nang makitang hawak ko si Laurine sa kamay ko. He looked at me with confusion pero dahil suot ko ang clubmaster shades ko ay hindi niya makita ang mga mata ko.


I saw him walk briskly para malapitan kami ng anak niya pero nang makasakay na ang bodyguards ko ay agad na sinara ang gates, making Theon stop in his tracks. Tumikhim ako at inayos ang suot kong clubmaster. I suddenly felt uneasy upon seeing him. 


It's been how many weeks simula nang huli kong makita si Theon. It was a bit difficult for me everyday dahil bukod sa inaayos ko ang sarili ko, inaayos ko rin si Laurine sa araw-araw. She always looks for Theon at ako'y patuloy ang pagpapalusot.  Ngayong buwan na rin ang sinasabing pag-alis ko patungong Malaysia and I can say, nang malayo ako kay Theon ay naging maayos kahit papaano ang buhay ko. Kahit. Papaano.


"Mommy! I saw Daddy!" Sabi ni Laurine.


Saka ko naman nadinig ang bulungan ng mga empleyado sa likod ko. I looked at Laurine at inalis ang buhok na nakaharang sa mukha nito. I gave her a smile bago ako nagsalita.

An Honest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon