Chapter 7

10.7K 203 4
                                    

Chapter 7 - For my daughter


Kasalukuyan akong nakatingin sa harap ng salamin dito sa kwarto ng anak ko. Nakaupo lang naman si Laurine sa may kama habang pinanonood ako. Pakiramdam ko kasi hindi ako kumportable sa suot kong ito. Nakakailang palit na rin ako ng damit.


"Mommy," tawag ni Laurine. "Punta ka po office?"


Hinarap ko siya saka ako tumango. Napangiti ako sa pagsasalita ni Laurine. She tries her best to speak completely and it's cute. Even though I'm still 25 years old, I still enjoy little things lalo na kung ang mga maliliit na bagay na iyon ay nanggagaling kay Laurine.


Dahan-dahan bumaba si Laurine at lumapit sakin. She raised her arms kaya yumuko ako para buhatin siya. Nahirapan pa ko sa pagyuko dahil sa stilettos na suot ko.


"May gusto bang pasalubong ang baby ni mommy?" tanong ko at pinaulanan siya ng halik sa mukha.


She giggled heartily na nagpatawa na rin sakin. Humawak siya sa pisngi ko na natawa pa rin habang tinitignan ko siyang mabuti. God, she looks like Theon! She almost resembles Theon. Nakuha nito ang buhok ni Theon na kulay itim at ang mata rin ni Theon na kulay brown. She also got her father's smile kaya kapag nakikita kong nakangiti si Laurine ay naaalala ko si Theon sa kanya.


"I want toy po, but baka galit si mommy." aniya at ngumuso.


Oh my God! I can really see Theon in her.


Umiling ako, natatawa sa anak ko. "Si mommy na bahala. Pero, sino muna ang baby ni mommy?" 


"Si Auri!" masiglang sabi nito at nakataas pa ang mga kamay.


Natawa ako saglit. "Mali! Si Laurine!" sabi ko rito.


Inulit-ulit naman ni Laurine ang pangalan niya hanggang sa makuha na niya kung paano bigkasin ito. Tinanong ko pa ulit siya at nasabi niya rin ito ng tama. I rewarded her with a kiss on her cheeks kaya napahagikhik ulit siya.


Lumabas kami ng kwarto ni Laurine habang nasa bisig ko siya at dala ang bag ko. Nagpababa siya nang makita si Camilla at tinakbo ang distansya nila ng tita niya para kay Cami magpabuhat.


"Good morning, tita!" bati nito at hinalikan sa pisngi. Umupo naman ako habang pinanonood sila.


"Good morning din! Sweet naman ng batang ito!" sagot ni Cami.


Tumatakbo naman ang dalawang batang lalaki at humalik sa may pisngi ko They greeted me good morning  saka sila umayos sa upuan nila. Pinaupo naman ni Cami si Laurine sa may tabi ko habang ako ay hinahanap si Eric.


"Cami, nasaan nga pala si Eric?" tanong ko rito habang binibigyan ng pagkain si Laurine.


"Ay nasa kwarto pa. Kanina lang kasi dumating galing sa night shift." sagot ni Cami.


Tumango ako at sumandok na ng pagkain na inihain ni Camilla. Pinakain ko na rin si Laurine sa tabi ko kaya habang nanguya si liit ay kumakain rin ako. Medyo makalat pa nga kumain si Laurine ngayon pero okay lang. Mas gusto kong makalat pa siya kumain para maasikaso ko pa siya.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now