Chapter 41

7.4K 137 18
                                    

Chapter 41 - No longer


Nanghihinang pumasok ako sa loob ng mansyon, bigat na bigat sa sarili ko. It must be the heavy feeling deep inside my chest. Yung pakiramdam na hindi ko ginusto simula pa nung makaramdam na ko ng kakaiba kay Theon. 


"Ma'am? Okay lang po kayo?" Tanong sakin ni Jodie.


Nag-angat ako ng tingin saka ko siya nginitian. Tumayo na rin ako ng maayos para hindi na nila ako intindihin. As much as possible ay ayoko munang magsalita dahil pakiramdam ko ay bibigay ako. Abot langit na ang pagpipigil ko sa sarili kong umiyak ulit.


"Okay lang ako, Jodie. You don't need to worry about me." Sabi ko rito.


"Sigurado po kayo?" She asked again.


"Oo." Sagot ko at nginitian siya.


Alanganin pa siyang tumango sa akin bago sinuklian ang ngiti ko.


Humingi ako ng tubig kay Jodie at hinintay siya sa living room. I sat at one of the white sofas and looked around the mansion like what I did when I first got here. Malaki ito. Masyadong malaki ito para sa amin ni Theon. And the possibility of Theon living the mansion hurts me even more.


Though ang posibilidad na pag-alis ay hindi kay Theon, kung hindi sa amin ni Laurine. We don't have any reason to stay here anymore. Kaya lang naman kami nandito ay dahil sa engagement ko kay Theon at ang pangako ko para sa kanya. Yun lang.


Inabot naman sakin ni Jodie and I just gave her a smile. Nagpaalam naman ito sa akin na matutulog na siya ulit kaya pinabayaan ko na siya. After finishing my water that made my throat moist, nilagay ko muna sa kusina ang baso bago ako pumanhik ng grand staircase. I went straight to my daughter's room at doon ko siya nakitang mahimbing na natutulog.


I removed my stilettos at binaba sa isang tabi ang purse ko. Umupo naman ako sa gilid ng kama ni Laurine para makahiga ako. Her bed is wide enough para makahiga pa ko. I even caressed my daughter's hair habang pinanonood ko itong mahimbing na natutulog.


"Ano na kaya mangyayari sa atin ngayon, anak?" I whispered.


Sumiksik naman ito sa akin kaya't niyakap ko na lang si Laurine. Hindi ko na rin napigilan ang muling pagtulo ng luha. I hugged my daughter so tight and cried myself to sleep.


Kinabukasan ay nagising ako nang may humapit sa akin at may maramdamang mainit sa likod ko. I looked at my stomach where I found an arm wrapping me up kasabay ng hininga na tumatama sa tenga ko.


"Paano ako napadpad dito?" Bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ko si Theon. Mahimbing ang tulog nito habang nakapulupot sa akin. Nakapulupot man o hindi, either way, mali nang tignan na nasa iisang kama kami. 


Before I lose my senses ay nagdesisyon na agad akong bumangon. I carefully slipped out of bed and went straight to the bathroom to freshen up. Ngayon ang birthday ni Laurine and as much as possible ay kailangan kong maging maayos ngayon dahil gusto ko masaya si Laurine sa araw niya ngayon.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now