Extra

9K 186 16
                                    

Thank you for reaching this far! An Honest Mistake has reached 200k+ reads and to celebrate, here's an extra!

Also, please support my other works! All love!

P.S. I'm currently writing a story for Lawrence and this extra is a glimpse of what's waiting for him. Enjoy!

---

"Lawrence! Now is not the time to flirt!" Sita ko dito nang mahuli kong nakatambay na naman sa isa sa mga cubicle ng isang empleyado.

Tinapunan ko ng masamang tingin ang empleyado bago ko sila nilagpasan. I can't believe this! Nakukuha pa nitong makipagharutan kay Lawrence lalo na sa sitwasyon ngayon.

Lawrence stood up from where he was sitting at sinundan ako. Inayos ko pa muna ang pagbubuhat sa anak ko bago ko tinapunan ng matalim na tingin ang pinsan ni Theon.

"I swear to God, I'm going to kill you if bad news ang maririnig sa meeting!" Inis na sabi ko dito.

"Ano na namang ginawa ko, Freya?" He asked, trying to catch up with the speed of my walk.

Huminto ako sa paglalakad at tinignan si Lawrence.

It's been four years simula nang ikasal ako sa first born ng mga dela Vega sa Ilocos. Everything was blissful for us lalo na't walang naging hadlang pa. I have already gave birth to our son, Gavin Arquímedes dela Vega, too. Nang malamang lalaki ang sumunod na anak namin ni Theon ay lalong gumaan ang buhay naming dalawa.

But even though Theon and I are finally happy with our kids, may mga taong hindi pa rin gusto ang pagsasama namin. One of them is Lawrence...

"Halos ilang taon ka nang wala sa sarili mo. Even risking the company your cousin worked so hard on getting back!" Inis na sabi ko dito. "May pakielam ka pa ba sa trabaho mo?"

Lawrence looked at me like he's grown tired of everyone blaming him. Gustuhin ko mang pigilan pa ang sarili ko ay hindi ko na magawa.

Matagal ko nang pinagpasensyahan si Lawrence. I even shrugged off every remarks he has to say dahil pamilya ko na ito. Ngayon lang talaga naputol ang pasensya ko dito.

Umirap ako at bumuntong-hininga.

"You know what? Never mind." Ani ko at inayos ulit ng karga ang anak ko. "Fix yourself. I'll see you in the meeting."

Hindi ko na hinintay na umimik si Lawrence at pumunta na lang sa opisina ni Theon.

Since the board meeting will be held at Hubry's conference hall, kailangan pa namin pumunta nila Theon doon. He doesn't need to be present pero dahil pakiramdam niya ay kailangan siya doon ay sasama siya. Meanwhile, no one's staying here with my son at hindi ko alam ang gagawin ko.

Pagpasok ko ng opisina ni Theon ay agad kong ibinaba ang anak ko. Kusa namang tumakbo ito papunta sa ama niya.

"What's with the face?" Theon asked nang makita ang mukha kong nakabusangot.

I pointed at the door to indicate that I'm talking about his cousin. "Anong problema ni Lawrence?" Tanong ko dito.

"He's just having a hard time accepting..." Aniya, nilalahad ang kamay sa akin at sa kanyang anak.

My frown grew deeper na siyang ikinangisi ni Theon. He should feel something for his cousin pero ang itsura nito ngayon ay parang natutuwa pa dahil hindi pa nakakatanggap ang pinsan niya. My God, Theon!

Nang manatiling nakabusangot ang mukha ko ay tumayo na si Theon mula sa pagkakaupo para lapitan ako. He wrapped an arm around my waist and placed a kiss on the side of my head.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now