Chapter 2

16.4K 310 5
                                    

Chapter 2 - Hindi madali


Nakarating kami ni Theon sa parking lot at mukhang dito rin nagparada ng sasakyan si Theon dahil nakita ko yung kotse ko kung saan ko ipinarada kanina.


"Theon," tawag ko rito kaya napahinto siya sa paglalakad.


Nilingon ako ni Theon na may kunot sa noo. What the? Problema nito?


"M-may dala akong kotse. Dala ko yung Accent." nautal na sabi ko.


"Pwede kitang ihatid sa bahay niyo then I'll pick you up in the morning." sabi nito.


Napa-isip ako saglit. Wala naman si Laurine sa bahay dahil kila Camilla ko siya pinatitira. Tumango na lang ako bilang pagpayag kaya naglakad na ulit kami papunta sa sasakyan niya. Napa-woah pa ko nang makita ko ang sasakyan niya. Iba na naman!


"Kailan mo binili to?" tanong ko.


Pinatunog niya muna ang alarm ng Forester bago ako pinagbuksan ng pinto sa passenger seat. Tahimik akong sumakay saka ko kinabit ang seatbelt matapos isara ni Theon ang pinto. Dumaan siya sa harap para makalipat sa driver's seat at sumakay.


Nilingon ako ni Theon nang maka-ayos na siya sa loob ng sasakyan niya. "You good to go?" tanong niya.


Tumango ako na ginawa niya rin saka kami umalis sa parking lot ng opisina. Naging tahimik naman ang byahe namin ni Theon. Mukha kasing ayaw niya magsalita at hinihintay niya lang na makarating kami sa kung saan man. Gustuhin ko mang magsalita, wala naman akong masabi.


Nakarating kami ni Theon sa isang condominium na hindi kalayuan sa kumpanya niya. This is different from his condo noong nasa kolehiyo kami. 


"What happened to your previous condo?" tanong ko habang naparada si Theon.


"Binenta ko saka ko binili ito." sagot niya.


"Bakit pa?" tanong ko ulit.


Kinalas ko ang seatbelt ko kasabay ni Theon. Bago siya bumaba ay tinignan niya muna ako bago siya sumagot. "You always know why." aniya, nakangisi saka siya lumabas ng sasakyan.


Napairap ako sa kawalan. Of course I know! His reason? Dahil para nga raw malapit sa araw-araw na pupuntahan niya. His previous condo is actually near our university. Ayaw niya kasi ng malayuang byahe. Ganoon katamad si Theon.


Pinagbuksan ako ng pinto ni Theon kaya agad na kong bumaba. Sinara niya yung pinto at pina-alarm na ulit ang Forester. 


Habang naglalakad kami ni Theon papasok sa condo niya ay kinuha ko ang cellphone ko para maitext si Camilla. I asked her na patulugin na agad ang anak ko at huwag na ko hintayin. Mukhang hindi naman narinig ni Camilla yung pinag-usapan namin ni Laurine kanina eh.


Nilalagay ko sa bag ko ang cellphone ko nang makapasok na kami at nanlaki ang mata ko nang may mga nakatingin sa akin. Saka ko lang rin napansin na nauna na palang naglakad si Theon sakin. Nahinto rin siya sa paglalakad nang siguro marealize niya na nahinto rin ako sa paglalakad.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now